Chapter 44-Paalam

1.5K 42 1
                                    

YUMI POV

Walang tigil sa pagdaloy ang masaganang luha sa aking mga mata..

Ako ang magiging dahilan ng pagkawala ng kapangyarihan ni Miyata..

Ako ang magiging dahilan kung bakit hindi niya mapapakawalan ang kanyang ina..

Ako ang magiging dahilan kung bakit hindi niya mapoprotektahan ang kanilang emperyo..

Ako ang magiging dahilan ng pagiging mahina niya..

Ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay niya.. 

Pakiramdam ko ay parang dinudurog ang puso ko sa isiping iyon..

Ayokong mawalay sa kanya..

Pero ayoko na ako ang maging dahilan ng paghihirap niya..

"Yumi anong nangyari sa'yo?bakit ka umiiyak?"nag-aalalang boses ni Kira ang nakapagpalingon sa akin habang patuloy pa din sa pagdaloy ang aking mga luha.

"K-ira.."hindi ko na napigilan ang sarili ko na sugudin siya ng yakap.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at tuluyan ng humagulhol.Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko at sa yumuyugyog ko na balikat.

"Ano ba ang problema Yumi?pinag-aalala mo ako.."iniangat ni Kira ang aking mukha upang humarap sa kanya.Pinahid niya ng kanyang mga daliri ang luha na dumadaloy sa aking mata. 

Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sabihin sa kanya ang dinaramadam ko.Pakiramdam ko ay may bikil ang lalamunan ko.

"Kung tungkol kay Miyata ang dinaramdam mo..hindi niya gugustuhin na makita kang umiiyak..magiging maayos din ang lahat.."masuyo niyang sabi sa akin."Wag ka ng umiyak sige ka papangit ka.."kung hindi ganito ang nararamdaman ko ay marahil napabungisngis ako.

Tumigil na ako sa paghagulhol pero patuloy pa din ako sa pagsinghot.

"Halika..ihahatid na kita sa silid mo.."nagpatianod na lang ako ng inalalayan niya ako papunta sa aking silid."Magpahinga ka na.."sabi niya ng makapasok na kami sa aking silid.

"Salamat.."tangi kong naiusal.

Umalis na si Kira sa aking silid at naiwan na akong mag-isa.Dumapa ako sa kama at isinubsob ko ang mukha ko sa unan.

Hindi..

Hindi ko kayang mawalay sa kanya..

Pero..

Hindi ko din kaya na makita siya na nasasaktan dahil sa akin..

Hindi ko kayang makita ang sumbat sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin..

Kaya..

Nakapagdesisyon na ako..

Kahit masakit sa akin lilisanin ko ang mundong ito na hindi kasama si Miyata..

Para sa kapakanan niya..

"Yumi nandito ka lang pala..kanina pa kita hinahanap wala ka na doon sa ilalim ng puno.."boses ni Miyata.

Nadinig ko ang paglapat ng pintuan na kanyang isinara.Naku..nandyan na siya..parang gusto kong muling umiyak pinigilan ko lamang ang aking sarili..

Hindi na siguro niya mahahalata na umiyak ako dahil kanina pa naman ako huminto sa pag-iyak..Sana hindi niya mapansin para hindi na ako magpaliwanag..

"Gising ka ba?"tanong niya..hindi kasi ako gumalaw at nagsalita.

Inihanda ko na ang ngiti sa aking labi..

"Nainip kasi ako kaya naisipan kong pumunta na lang dito sa silid ko.."

"Natagalan ang pag-uusap namin ni ama e.."

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon