Chapter 14-Kaarawan at Pangungulila

2.2K 63 7
                                    

YUMI POV

Nandito kaming lahat sa bayan para ipagdiwang ang kapistahan ng Emperyo ng Libre.

"Tayong maglaro doon sa pinapatamaan ng palaso.."aya sa amin ni Yona."Tara doon Yumi."

"Palibhasa ay magaling kang gumamit ng palaso kaya doon mo gusto."Shugen.

"Syempre doon ako kung saan ako magaling."nakangisi na sabi ni Yona.

"Eh kung doon na lamang tayo sa palakasan ng suntok."Shugen.

"Eh katulad ka din pala ni Yona,sa bigat ng kamay mo na yan ikaw na ang mananalo."Shin.

"Dun na lang tayo sa umaakyat sa pole."suhestyon naman ni Ken.

"Eh magteleport ka lang ikaw na ang panalo.."sabi naman ni Mito.

"Puro kadayaan iyang alam nyo,tss.Ikaw Yumi saan mo gustong maglaro.."Kira

"Doon sa nanghuhuli ng isda na iba't iba ang kulay."masaya kong sabi.

=___=

Laglag ang panga nila.

"Hahaha,Hahaha.."hindi ko tuloy napigilan na mapatawa.

"Bakit ka tumatawa?"si Shin.

"Mukha kasi kayong nalugi..hehe."

"E paano ba naman e wala namang kalattoy-latoy sa napili mong laruin"Shugen.

"E dun ko gusto."nakanguso kong sabi.

"Sasamahan kita dun."sabi ni Kira sa akin kaya naman nagliwanag ang mukha ko.

"Sige!"excited ko na sabi.

Pakiramdam ko nakatingin sa akin si Miyata pero hindi ko siya pinapansin.Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko toward him..Inis sa paghiyaw niya sa akin sa sagradong silid,takot sa galit na nakita ko sa kanya at sa pagpapasabog niya sa isang parte ng sagradong silid,guilt dahil muntik ko ng mabasag ang sinumpang salamin..hindi kakayanin ng konsensya ko na ako ang maging dahilan ng paglalaho ng kanyang ina.

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.Higit sa lahat baka lalo niyang inisip na mangkukulam ako at gustong basagin ang salamin sa sagradong silid.

"Kami ni Mito e pupunta muna dun sa palaro ng palakasan."Shugen.

"Doon ako sa madaming magagandang babae."nakangisi na sabi ni Ken.

"Sama ko Ken."habol ni Shin dito habang lumilipad.

"Saglit lang mahal ko tinatawag lamang ako ni ama hintayin mo ako dito ha.."sabi ni Rima kay Miyata pagkatapos ay umalis.

E di sila na nga!

"Mag-iikot-ikot lang kami ni Liu"sabi ni Akeru.

"Liu pwede bang sumama.."nahihiyang sabi ni Yona.

Nakatingin lang sa kanya si Liu blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.Pagkaano ay..

"Sige.."sabi ni Liu na tumalikod na pagkatapos pumayag.

Kyaahhh..!

Kinikilig ako sa kanila..bagay talaga silang dalawa!

"Hindi makakasama si yona sa inyo,may gagawin siya."napatingin kami kay Miyata na nagsalita.

Nakita ko na parang batang gustong maiyak ni Yona.Chance na nga naman niya sana yun para makasama si Liu kahit pa asungot si Akeru.Napaka-kj talaga ng lalaking to!

"Tara na dun sa gusto mong puntahan.."sasabat na sana ako ng hilahin na ako ni Kira dun sa gusto kong puntahan.

Hinawakan na naman niya ang kamay ko..

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon