YUMI POV
Mabigat ang pakiramdam na nagmulat ako ng mata.
Nanlulumo at seryoso ang mga mukha na bumalik kami dito sa kubo kahapon matapos sumama sa kalaban ni Rima.Ibig sabihin ay makakalaban namin siya dahil nasa panig siya ng kalaban.
Napa-buntunghininga tuloy ako.
Kailangan naming iligtas si Rima at kumuha ng itim na hiyas..speaking of hiyas..mabuti na lamang at hindi nila nakuha ang mga hiyas na nasa pangangalaga ko.
Umangat ang kamay ko para hawakan ang aking kwintas.
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napayuko sa aking sarili...
PALASYO NG JUMON
Third Person's POV
Sa palasyo ng mga mangkukulam ay kasalukuyang nagkukubli ang isang binata na nangahas na pumasok dito.Kanina pa niya lihim na nililibot ang buong paligid para lamang hanapin ang pakay niya.
Samantalang naglalakad sa pasilyo ng palasyo ang dalagang si Rima na ngayon ay nasa panig na nila.Papunta ngayon ito kay Tata na ipinapatawag siya.Sa isip niya ay alam na niya kung bakit siya pinapatawag nito..yun ay para kausapin sa gagawin nilang plano para sa nalalapit na pakikipagharap sa mga salamangkero.Dahil sa labis na galit at selos ay nagawang kontrolin ni Tata ang kanyang isipan..kaya naman ang nakatanim sa kanyang isip ay kalaban ang mga ito,na nanatili siya sa Libre at nakasalamuha ang mga mandirigma nito sa plano na wasakin din ang isinumpang salamin.Hindi inaasahan ay nahulog ang loob niya kay Miyata pero hindi nito nagawang tugunin ang kanyang damdamin,lalo na nung dumating ang mortal na si Yumi sa mundo ng mga mandirigma na labis niyang ikinagalit.Ipinangako sa kanya ni Tata na ibibigay sa kanya si Miyata kapag nagtagumpay sila sa kanilang mga plano.
Patuloy niyang binabagtas ang pasilyo ng may isang binata na humarang sa kanyang daan.
"Anong ginagawa mo dito?Paano kang nakapasok??"gulat na gulat na tanong ni Rima.Nang makahuma ay nanlilisik ang kanyang mga mata na tiningnan ito.
"Ililigtas kita..halika umalis na tayo dito.."hinawakan ng binata ang kamay ni Rima na iwinaksi naman nito.
Naglabas ito ng latigo na gayak ihahagupit dito ngunit mabilis na nahawakan ng binata ang kanyang kamay upang pigilan.Kasunod noon ay hinapit niya ito palapit at ginawaran ng halik sa labi.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga na si Rima at hindi makapaniwala na hinalikan siya ng binata.Hindi ba at wala namang interes sa kanya ang binata kaya bakit nito ginawa iyon sa kanya?
Nang makahuma ay agad niya itong itinulak palayo.
Siya namang pagdating ng dalawang mandirigma ng Jumon..
"Isa kang hangal salamangkero.."nakangising sabi ng lalaking mangkukulam habang tahimik lamang ang kasama niyang babae.
Humanda sa pakikipaglaban ang binata..mukhang kailangan niyang harapin ang mga ito para mailigtas ang dalaga..
MIYATA POV
Napatiim-bagang ako.Nawawala ang mga hiyas at pati na din si Mito..Natuklasan namin ang pangyayaring ito kaninang umaga.Nagulat na lang kasi kami ng naghihisteryang nagsisigaw si Yumi.Nag-aalala tuloy akong napalapit sa kanya para lamang malaman na nawawala ang hiyas.
Noon pa man ay napapansin ko ng may pagtingin si Mito kay Rima.Nga lamang ay napaka-torpe niya.Siguradong sumugod yun ng mag-isa sa palasyo ng Jumon para iligtas ito,tss.Kahit ano pa ay hindi magandang ideya ang kanyang ginawa.Naikuyom ko ang aking kamao.
Paano na lang pag napahamak siya?
Paano pag nakuha ang hiyas sa kanya?
Ano ba ang plano niya at kinuha pa niya ang mga hiyas..huwag niyang sabihin na balak nga niyang ibigay ang mga ito bilang kapalit ni Rima?Nahihibang na talaga ang lalaking yun..Napailing ako.
Napatingin ako kay Yumi na wala sa sariling nakatingin sa kawalan.Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi.
"K-asalanan ko..hindi ko iningatan ang mga hiyas.."paninisi nito sa sarili.
"Wala kang kasalanan.."
"Hindi.."umiiling niyang sabi."Kasalanan kong lahat..pangalagaan na nga lang ang mga hiyas ang gagawin ko hindi ko pa nagawa..Kung hindi dahil sa akin ay hindi magiging masama si Rima..g-usto ka niya"napayuko siya sa sinabi niyang yun.Nagseselos ba siya?Parang gusto ko tuloy mapangiti kung hindi dahil sa sitwasyon.
Hinawakan ko ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha.Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata.
"Ikaw ang gusto ko Yumi at kahit wala ka hindi ko siya magugustuhan dahil hindi siya ikaw..kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo.Walang may kasalanan dito kundi ang mga mangkukulam,ginagawa nila ito para guluhin tayo at hindi magtagumpay.."
Lumipas ang maghapon na pinaplano namin ang mga dapat naming gawin.Hanggang sa muling sumapit ang gabi..
Nakaupo kami ni Yumi ngayon sa labas habang ang iba ay nagkukulitan sa loob,kahit kailan talaga.-__-
"M-ay tao! Miyata may tao!"nakakagulat na bigla na lang tili ni Yumi kaya naman binatukan ko siya.
"Nakakagulat ka..ano ka ba naman bigla ka na lang nahiyaw dyan,tss."ayan na naman yang nguso niya halikan ko siya e.
"Eh..may tao kasi doon.."itinuro niya pa ang lugar na sinasabi niya.
Tumingin ako sa direksyon na yun.May kadiliman sa parteng yun.Napakunot ang aking noo.Sa kaunting liwanag ng buwan ay nakikita ko ang isang nilalang na nakatayo doon.Puro galos ang kanyang katawan at may tali pa ng kadena ang kanyang mga paa..Lalong nagdikit ang mga kilay ko ng makilala ko ito..
![](https://img.wattpad.com/cover/14738010-288-k758393.jpg)
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
AventuraNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...