Chapter 28-Isinumpang Bunga

1.6K 54 1
                                    

"Nasapian si Liu..waaa..nasapian siya!"malakas ang boses at natatakot na sabi ni Yumi na nagtago pa sa likod ni Kira.

Kung di lang ako naiinis sa kanya ay kanina ko pa siya binatukan. Kitang kita na hindi siya nagmula dito sa aming mundo.Hindi maipinta ang kanyang mukha at takot na takot.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kanya?

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ni Kira..tss.Dito pa siya dumayo ng kalandian sa aming mundo! Aish! Ano ba tong iniisip ko sa kanya?! Bakit kasi may pahawak-hawak pa..

Seryosong bumaling na nga lang ako ng tingin sa arena.

Ang berdugong si Rakuda..at si Liu na mayroong mabangis na anyo! Hindi ako maaaring magkamali..alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya..Noong una ay naghinala na ako pero hindi ko sineryoso..inakala ko na nagkataon lamang.

Pero ngayon nakumpirma ko na..isa siyang ISINUMPANG BUNGA!

Unang-unang katangian nito ay ang pagkakaroon ng nakakatakot na mga mata..pero depende pa din ito..katulad na lamang ng kay Akeru.Mayroon din siyang kung tutuusin na nakakatakot na mga mata tulad ng sa isang pusa pero hindi siya isinumpa.

At hindi siya nagiging mabangis katulad ng hitsura ngayon ni Liu..nagiging mabangis lamang siya kapag nagiging anyong hayop dahil yun ang kanyang kakayahan.

Pero paano iyon nangyari??

Nang mapansin ko ang hawak niya sa kanyang mga kamay..ang PUSO ni Rakuda! Hindi ko napigilan na mahigit ang aking hininga..ganoon  din naman ang aking mga kasama.

Nak ng! Wala na siya sa kanyang sarili..!

Bumagsak ang walang buhay na katawan ni Rakuda.Tumalsik ang dugo na mula sa puso nito na piniga niya sa kanya.May tila itim na lumabas sa katawan ni Rakuda?

Nag-aalala akong napatingin kay yumi..hindi nga ako nagkamali..nanginginig siya sa takot sa kanyang nasaksihan..gusto ko sana siyang yakapin at takpan ang kanyang mga mata pero naunahan na ako ni Kira.Iniharang niya ang katawan sa harap ni Yumi at niyakap ito. Hindi ko gusto ang nakikita ko..Para tuloy kalaban si Kira kung tingnan ko..nag-iwas na lang ako ng tingin dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Liu.."nadinig namin na tawag ni Yona dito.

Nakita ko na parang unti-unting bumabalik ang normal na anyo ni Liu.Hindi maintindihan ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Nagustuhan mo ba ang regalo namin sa iyo?"sabi ng isang samurai na bigla na lang sumulpot kay Liu.

Saan naman galing ang isang ito?

Maiksi ang kahel nitong buhok at may hikaw sa magkabilang tenga.May nakasuksok na malaking palakol sa kanyang likudan.

"Kanina pa akong nanunuod..isang magandang palabas ang iyong ipinakita.."

Kanina pa daw nanunuod??Wag niyang sabihin na may kakayahan siya na mawala sa paningin namin?

"Gusto mo na din bang mawala sa mundo?pagbibigyan kita kung yun ang gusto mo.."walang emosyon na sabi ni Liu.

Humakbang siya palapit dito.

"Liu tama na.."niyakap siya ni Yona mula sa likod.

"Itigil na ang paglalaban Hiroku.."may isang malakas na presensiya ang dumating at kasabay noon ay nawala ang harang.

Mayroon itong mahabang asul na buhok na nakalugay. Hindi kami nag-aksaya ng panahon at lumapit sa kanila.Naiwan lang si Rima na wala pa ding malay.

"Dapat sa isang traydor na tulad mo ay mawala!"

Ano ba ang sinasabi ni Liu?

"Sinabi ko na sa iyo na hindi ako traydor..nagbago na ba ang isip mo sa iniaalok namin?"

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon