Third Person's POV
"ARGHHHHH....!! AHHHHHH..YUMI!!!"hindi mapigil na hiyaw ni Miyata."La*gya!! Takte! AHHHH..!!"
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagbato ng kanyang enerhiya na kung saan-saan na tumatama.Nagbabagsakan na ang mga puno,nahahawi na ang lupa na kanyang tinatamaan.Iba na ang nararamdaman niya sa kanyang katawan.Puno siya ng galit sa mga sandaling ito na para bang nawawala na siya sa kanyang sarili.Nag-uumalpas ang kanyang kapangyarihan na bumabalot sa kanyang katawan.Namamanhid ang kanyang katawan na hindi niya na napapansin ang pag-aalala sa kanya ng kanyang mga kasama.Hindi na niya nadidinig ang paghiyaw ng mga ito na tumigil na siya.Nagugulat sila sa lakas na kanyang pinapakawalan.
Nakuha si Yumi ng mga mangkukulam kaya ganoon na lamang ang kanyang pagwawala.Ni hindi na inabot ng kanyang kapangyarihan ang nagsaradong lagusan na lumamon kay Yumi at sa mga kalaban.Lalong higit ay hinalikan ng pangahas na mangkukulam na yun si Yumi,gustong-gusto niya itong durugin ng kanyang kamao.Sa pangalawang pagkakataon ay wala siyang nagawa..noong makulong ang kanyang ina sa salamin at ngayon naman ay nakuha naman ng mga mangkukulam si Yumi.Ano pa at malakas siya kung hindi naman niya magawang maipagtanggol ang mga taong mahalaga sa kanya.
"YUMI....!! HUMANDA KAYO SA AKIN..! AHHH..! IBALIK NYO SIYA!"
Patuloy pa din niya na tila walang kapagudan.Nang may mga braso na pumigil sa kanya.
"Tama na Miyata,Tama na.. "nag-aalalang pigil sa kanya ni Shugen na pinakamalakas sa kanila sa pisikal na aspeto.
Nagpatuloy lamang siya na tila walang nadidinig.
"Tama na Miyata..si Yumi..mag-aalala siya sa'yo kapag nakita ka niyang ganyan.."sukat sa sinabi nito ay unti-unting kumalma ang nagwawala nitong kapangyarihan.Unti-unti ay kumakalma si Miyata pero hindi pa din mawala ang labis na galit.
Napaluhod na lamang siya ng bitawan siya ni Shugen.Isang suntok ang pinakawalan niya na malakas na tumama sa lupa....
YUMI POV
Nakasalampak ako ngayon ng upo sa gitna ng isang malaking kama sa isang magarang silid.Taliwas sa buong akala ko na sa isang kulungan nila ako dadalhin.Kulay puti ang pintura ng silid pero ang mga kurtina,sapin ng kama,unan at iba pa ay pulos itim na,tipikal sa mangkukulam.
Nandito ako ngayon sa palasyo ng Jumon.Dinala ako dito ng dalawa sa mandirigma nila.Napasimangot ako ng maalala ko ang ginawang paghalik sa akin ng mandirigmang nagngangalan na Dilan.Ilang beses ko pa ngang pinahid ang aking labi para lamang mawala ang bakas ng ginawa niyang halik.
Ano kaya ang gagawin nila sa akin at dinala nila ako dito?Kung ano-anong masasamang bagay ang pumapasok sa isipan ko na nangilid na lang ang luha ko.Mabilis kong pinahid ng likod ng palad ko ang nag-aamba kong luha.Hindi ito ang oras para umiyak,kailangan kong tatagan ang aking loob..alam ko ililigtas ako ni Miyata.
Kamusta na kaya siya?sigurado nag-aalala na siya sa akin..tapos nakita pa niya na hinalikan ako ng Dilan na yun.>__<
Si Mito kaya nasaan?si Rima..kailangan ko silang iligtas.Kailangan ko ding mabawi ang mga hiyas sa kanila.
Napatingin ako sa pintuan ng ito ay bumukas.Iniluwa nito si Dilan.>__<Awtomatiko tuloy na nagdikit ang kilay ko.Nakangisi ito habang papalapit sa akin.
"Oy oh kumain ka.."iniabot niya sa akin ang pagkaing dala niya na tinitigan ko lang naman."Walang lason yan kung yun ang iniisip mo.."nakakaloko nitong sabi.
"Ayokong kumain pakawalan nyo ako dito!"i hissed.
Nagkibit balikat ito at ipinatong na lang sa maliit na lamesita ang pagkain.Yumuko siya sa akin..ang lapit tuloy ng mukha namin kaya naman napaurong ako.Unti-unti ay nagbabago ang hitsura niya..Humaba ang buhok niya na kulay dark blue.Nakatingin ako ngayon sa isang pares ng kulay lilac na mga mata..
Miyata..
Ang pinigil kong luha kanina ay para bang gustong kumawala muli ngayon nung makita ko ang mukha ni Miyata..
"Kalma lang..hahalikan kita ulit kapag hindi ka tumahimik dyan.."nang-aasar niyang sabi.
The nerve! sukat sa sinabi niya ay natauhan ako na hindi si Miyata ag kaharap ko..
"Halikan mo mukha mo!"sigaw ko sa mukha niya.
Parehas kaming napatingin sa mga yabag na paparating.Sumeryoso ang mukha ni Dilan at nagkaroon ito ng nakakatakot na aura.
"Ihanda mo na ang iyong sarili.."nakakakilabot ang boses na banta niya sa akin pagkatapos ay tumuwid siya ng tayo.
Dalawang pigura ang pumasok sa silid.
"Rima.."walang emosyon ang mga mata nito.
Sa tabi niya ay isang mataas na babae,nakasuot siya ng kimonong itim na lapat na sa sahig.Maayos ang kulorete sa kanyang mukha,nga lamang ay itim ang gamit niya sa kanyang labi.Sa maiksing salita sopistikada.Siya na marahil si Tata.
Nagkatama ang mga mata namin at hindi ko naiwasang manginig...sa takot.Oo,sa takot.Ibinabadya ng mga mata nito na handa niya akong patayin anumang oras.
Nakita ko ang paglapit ni Rima na mayroong nanlilisik na mga mata pero hindi ko magawang gumalaw o ibuka man lamang ang aking bibig para magsalita.
"Ahhgg.."napadaing na lamang ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagsabunot niya sa akin.
"Ano ang gusto mong gawin ko sa kanya kamahalan?"sabi ni Rima na lalo pang hinigpitan ang kanyang pagkakasabunot sa aking buhok.
"Tama na yan..may panahon para dyan.."seryosong sabi ni Tata.
Lumapit siya sa akin.She raised my chin..i felt fear running through my body just by staring at her.I shivered.Hinaplos niya ng kanyang mahabang kuko ang aking pisngi.
"Wag kang mag-alala..dahil mahal ko ang anak ng lalaking pinakamamahal ko ay sisiguraduhin kong makikita niya ang paghihirap ng taong mahalaga sa kanya.."nakangisi nitong sabi at sa mga mata nito ay nagbabadya ng kasamaan.
Napopoot ko siyang tiningnan na nakapagpaismid sa kanya...
MIYATA POV
Katatapos lang namin kausapin si ama.Sa pamamagitan ni Liu na naglabas ng tubig na tila salamin ay nakausap namin si ama.Ibinalita namin ang nangyayari sa aming paglalakbay.Nag-alala ito at sinabihan ako kung kailangan pang magpadala ng makakasama namin,pero ako na din ang tumanggi dahil kailangan din ng magbabantay sa palasyo at sa buong emperyo.
Hanggang ngayon ay nahihirapan pa din akong pakalmahin ang sarili ko lalo na sa isipin na hinalikan ng pesteng mangkukulam na yun si Yumi..gusto kong basagin ang mukha niya at tapusin ang buhay niya.
"Umpisa pa lang ay nagduda na ako nung makita ko na may kadena si Mito sa paa.."seryosong sabi ni Akeru.
Napapitik naman sa ere si Kira.
"Dahil imposibleng matalian siya ng kadena dahil kayang kaya niya iyong kontrolin!"Kira.
"Tumpak."Akeru.
Tama ang sinabi nila..Sa paraan pa lang ng pagtingin niya at sa nakakaloko niyang hitsura ay nagduda na ako.Pero binalewala ko lang kaya ngayon nakuha na nila si Yumi!
Ano ba ang plano nila at kinuha nila si Yumi?!
Hawak na nga nila ang hiyas ay bihag pa nila si Mito habang nasa panig naman nila si Rima.
Sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nagawa para iligtas ang taong mahalaga sa akin.Sa kabila ng galit ay nakakaramdam ako ng takot hindi dahil sa natatakot ako sa mga kalaban namin kundi dahil baka kung ano ang gawin nila kay Yumi.Naipukpok ko tuloy ng malakas ang kamay ko sa lamesa.Nag-aalala namang napatingin sa akin ang mga kasama ko.
Nang may nadinig ako na paparating..Sabay-sabay kaming napatingin sa palaso na tumama sa kahoy na dingding ng kubo.At ang kapansin-pansin ay mayroon itong pulang papel na nakasipit sa tangkay nito.
Lahat kami ay naging alerto sa maaaring pagsulpot ng kalaban ngunit bukod sa palaso ay wala na kaming naramdaman pa.Hindi ako nag-aksaya ng panahon at nilapitan ang palaso.Marahas ko itong hinugot at kinuha ang papel.
Nangunot ang noo ko nung mabasa ko ang nilalaman nito....
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
AventuraNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...