Chapter 25-Bukana ng Torre

1.7K 42 1
                                    

YUMI POV

Maayos na ngayon ang pakiramdam ko.Patungo na kami sa Torre ng Subeta.

"Mahal ko sa'yo na ako sasabay ha sige na.."sabi ni Rima na sumakay na agad sa likod ni Kai kahit na hindi pa nasagot si Miyata.

Hindi lang yun yumakap din siya agad dito.

"Yumi dito muna ako ha.."nakangiting pang-aasar niya sa akin.>_<

Madami daw kasing pasikot-sikot at liko-liko sa pupuntahan namin kaya lilipad na lang kami.

Hindi naman umimik si Miyata at ni hindi din tumitingin sa akin.

"Okay lang..gusto ko din naman makakwentuhan si Yona..nakakaantok din naman kasing lumipad ng walang kausap..nakakapanis pa ng laway!"sinadya kong lakasan ang sinabi ko..childish na kung childish,nakakainis kasi! "Tayo na Yona.."hinawakan ko na siya sa braso.

Sa totoo lang hindi naman nakakaantok dahil hindi kami nag-uusap kundi dahil ang sarap kasi sa pakiramdam na nasa bisig ako ni Miyata..kumportable at ligtas sa pakiramdam kaya minsan ay hindi ko na mapigilan ang makatulog.Pero mamatay na ang lahat ng kuko ko sa paa pag inamin ko yun ngayon!

"Sige sabay-sabay na lang tayo nina Shin.."nakangiti naman na sabi ni Kira.Tumabi siya sa akin.Ang cool lang ng porma niya parang si Kuya Toru.Haayy..kaylan ko kaya sila makikita..

Lumipad na kami sa torre.Natanaw ko na mula sa itaas ang torre..napakataas nito na tumingala pa ako.Mukhang nababalot ito ng malakas na kapangyarihan.Lumapag na kami sa lupa.

Papasok na sana kami sa loob nang may humarang sa aming daan.

Isang samurai na walang hawak na kahit anong sandata.Kulay itim ang tirik-tirik niyang buhok.Nakasuot siya ng tipikal na damit ng mga tao sa mundong ito..pantalon at kamison na may laso sa baywang.May mga kasama siyang err..napakadaming samurai na may espada.

Napabaling ang tingin namin sa isang samurai na nakasakay sa isang lobo na may pitong buntot?katulad ni Kai..mayroon lamang itong asul na mga mata habang ang kay Kai ay yelow orange at may pakpak..waaaa..ang cute.Dilaw ang buhok ng samurai na sakay nito na tila hindi sinusuklay.

Lumapag sila sa lupa.

"Kami na ang bahala dito ni Ken."sabi ni Akeru tumango naman si Ken.

"Pumasok na kayo sa loob."sabi ni Ken.

"Ako din magpapaiwan."sabi naman ni Shin.

"Wag na Shin sumama ka na ako na lang ang magpapaiwan dito mas kaylangan ka nila sa loob."sabi naman ni Mito.Tumango naman si Ken kay Shin.

"O sige na nga.."

"Maiiwan na lang din ako dito sa labas.."sabi naman ni Kai kay Miyata na tumango. 

"Liu tayo na.."aya ni Yona dito nung papasok na kami sa loob e hindi pa ito nakilos.Sumunod naman siya sa amin.

Nakapasok na kami sa loob.Mayroon itong arena sa loob at mayroon kaming katapat na pinto.At sa pagtingala namin ay may ilang arena na nakalutang na mahihinuha na ikalawa,ikatlo,ikaapat at madami pang palapag.May espasyo sa gilid na makikita mo ang tila walang hanggang itaas.

Ang nakakapagtaka lang ay wala man lang akong makitang hagdan?Saan naman kaya kami dadaan??Lilipad kami??Napailing ako sa naisip ko..were dead pag ginawa namin yun!

Maaari sanang dumaan sa bawat espasyo na nakapaikot sa arena nga lamang ay nababalutan ito ng enerhiya na tila kuryente!

Paano kami ngayon makakaakyat?!

Nang may isang paniki na gawa sa makina ang lumilipad na dumating.Maliit lang ito at..

"Maligayang pagdating sa torre ng Subeta.."

..nakakapagsalita?!0_0?

"Ang magiging patakaran ng larong ito ay isa laban sa isa..Hindi kayo makakaakyat sa ikalawang palapag hanggat hindi nyo natatalo ang nasa unang palapag.."paliwanag nito"Ngayon sino ang mauuna?"

Kung ganoon hindi kami makakarating sa kinaroroonan ng hiyas pag natalo kami..

MITO POV

Kaharap namin ngayon nina Akeru at Ken ang dalawang mandirigma ng Subeta at may kasama pa silang sandamakmak na samurai.Napabaling ako ng tingin kay Kai na mukhang naaaliw dahil nakakita ng kalaro sa katauhan ng lobong may pitong buntot na alaga ni Shikamaru.

Habang pumasok na sa loob ng torre sina Miyata.

Tingnan natin ngayon kung magawa man lang nila akong malapatan ngayong hawak ko na ang arnis at kadena ko.Napatingin ako sa braso ko na may benda pa nagtagis tuloy ang aking mga bagang.

"Nakahanda ka na ba Misuke?"sabi nung si Shikamaru sa kasama niyang madirigma na tumango lang naman.Siya pala si Misuke.

"Mga kawal ipakita sa ating mga bisita kung bakit kilala ang ating emperyo sa larangan ng digmaan..ipalasap ang talim ng ating  sandata."utos nito sa mga samurai.

Sumugod ang mga ito sa amin.Inilabas at iwinasiwas ko ang arnis ko.Si Ken naman ay inilabas ang kunai niya habang si Akeru naman ay nagkaroon ng mahahabang kuko sa kamay at sa paa.

Nakipaglaban kami sa mga samurai.Nakita ko na susugod sa amin si Shikamaru sakay ng lobo nito.

"Ken.."tawag ni Kai dito na naintindihan naman nito kaagad.

Kumuha naman si Ken ng espada na nabitawan ng isang samurai na wala ng malay at sumakay kay Kai.Masyado kasing maiksi ang kunai niya kung ilalaban kay Shikamaru.

Nagbangga ang kanilang mga pwersa.Nagtagisan ang kanilang mga espada habang si Kai at ang alagang lobo nito ay nagkakagatan at nagkakalmutan.

Nang mapansin ko naman na dadambahan ako ng dalawang samurai.Iwinasiwas ko ang arnis ko dun sa dibdib nung isa na tumalsik habang sinipa ko ang espada nung isa.Hinila ko ang magkabilang puluhan ng arnis ko at ipinulupot sa leeg nito..binigyan ko ng pwersa at saka niluwagan nung mawalan ito ng malay.

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid..napakadami pang samurai ang hindi pa bumabagsak.

Parang biglang umuga ang lupa..bumuka ito at nag-angatan ang mga piraso ng lupa na naging hugis patusok.Nakalutang ang mga ito sa paligid ni Misuke at sa isang kumpas ng kamay nito ay naglipadan paatake ito kay Akeru na kasalukuyan niyang kalaban.Nagkaroon ng pakpak si Akeru na ipinagaspas nito na lumikha ng malakas na hangin na nagtaboy sa sandata ni Misuke.Humuni ng malakas si Akeru na tila isang ibon direkta kay Misuke na nagtakip ng tenga at tumalsik.Ngunit hindi iyon sapat para tumigil ito sa pag-atake..muling umangat ang lupa kasama na ang mga bato na ginawa din nitong sandata.

Hinarap ko naman ang mga samurai na natitira pa.Kailangan ko na silang pabagsakin para matulungan ko na si Akeru.Inatake ko sila ng aking kadena at arnis.Mabilis kong inilagan ang mga atake nila hanggang sa wala ng natirang nakatayo sa kanila.

Ngayon tutulungan ko naman si Akeru.

Nagpaikot-ikot ang aking kadena at sa muling pag-atake ni Misuke ay umatake din ako.Pinuluputan ko ng kadena nag matutulis niyang sandata na gawa sa lupa hanggang sa madurog ito.

Tumingin ako kay Akeru na para bang sinasabi na 'ikaw na ang bahala' nakakainitindi naman na tumango ito.Mabilis itong sumugod sa direksyon ni Misuke na katulad ng isang hayop.Humanda para umatake si Misuke.Isang dipa na lamang ang layo ni Akeru dito ng magpalit anyo ito sa isang mabangis na tigre.Dahil sa gulat ay hindi na nagawang makakilos pa ni Misuke at tuluyan na itong nadamba ni Akeru.Binigyan niya ito ng malalim na sugat gamit ang kanyang matatalim na kuko kaya naman walang malay itong bumagsak.

Kasabay noon ay nakita ko na nagpakawala si Kai ng enerhiya mula sa bibig nito na nagpabagsak ka Shikamaru at sa kanyang lobo.

Napasuntok sa ere si Ken nung bumagsak ang mga ito.Maasahan talaga si Kai.

Napatingala naman ako sa mataas na torre..

Dalawang mandirigma ang napatumba namin..apat na ang nakilala namin..

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon