YUMI POV
Nakayuko ang ulo ni Mito habang nakaupo sa higaan at nakasandal sa pader.
Napakadami niyang galos sa katawan at may kadena pa sa paa ng makita namin siya kagabi bago siya nawalan ng malay.Ang sabi niya ay nakipaglaban siya sa mga mangkukulam,nahuli ng mga ito at nakatakas.Pati daw ang kanyang kadena at arnis ay nakuha ng mga ito.
"Patawad..hindi ko nailigtas si Rima..nakuha pa nila ang hiyas sa akin.."nakatiim-bagang na wika niya.
"Kung hindi ka nagpadalos-dalos nasa atin pa sana ngayon ang hiyas.Nabawasan na nga tayo pati ang mga hiyas nawala pa."iritang sabi ni Miyata.
Nakakunot ang noo na nag-angat ng tingin si Mito.
"Alam ko kasalanan ko kaya nga humingi na ako ng tawad,tss."
"Mabuti alam mo."sarkastikong sabi ni Miyata.
Mukhang magkakainitan pa sila kailangang may pumagitna sa kanila..
"Miyata.."umiiling na sabi ko sa kanya."Hindi naman yun sigurado ginusto ni Mito.Katulad natin ay gusto lang naman niyang iligtas si Rima kaya wag na natin siyang sisihin?"
"Tss."tangi lang nasabi ni Miyata at sumandal na lang sa pader habang nakahalukipkip.
"Hindi niya nga ginusto pero dahil sa ginawa niya lalo lamang lumaki ang problema natin."seryosong sabi naman ni Kira.
Haay..napabuntung hininga na lang tuloy ako.Paano ko ba pagagaanin ang sitwasyong ito?
Nang..
"Ano yung tunog na yun?"nakakunot ang noo na sabi ni Akeru.
"Oo nga nadinig nyo ba yun?"nagtataka naman na sabi ni Shugen.
"Kai ikaw ba yun?"sabi naman ni Shin na tiningnan ang pusa ni Miyata.Umiling ito.
Nang may muling tumunog at higit na mas malakas.Lahat tuloy sila ay napatingin sa akin at nagtawanan.>///<
GRUU..
"He..he.."nakakahiya naman tong tyan ko.>///<
"Mabuti pa ay kumain na muna tayo.."si Miyata na ngayon ay tila pinipigilan ang mapatawa.Napa-pout tuloy ako.
Naghanda na kami ng pagkain at pagkatapos ay kumain na.May bitbit ako ngayong mainit na sopas para kay Mito hindi kasi siya sumabay sa amin sa pagkain.Hindi pa din kasi okay sa kanya ang iba pa naming mga kasama.
"Yumi.."wika ni Mito na nag-angat ng tingin ng maramdaman ang paglapit ko.Alanganin siyang ngumiti sa akin.
"Hindi ka kumain kaya dinalhan kita ng sopas."nakangiti kong sabi sa kanya.
"Nagmadali ako at hindi nag-isip..naiinis ako sa sarili ko sa ginawa ko pinalaki ko lamang ang ating suliranin..Salamat sa pagtatanggol sa akin ha.."
"Wala yung anuman..at isa pa wala kang kasalanan gusto mo lang iligtas si Rima hindi ba..heto oh kumain ka na lang muna.."iniabot ko sa kanya ang dala ko.
"Salamat.."nakayuko niya lang na tinitigan yung sopas kaya niyuko ko siya.
"Oy..di ka mabubusog nyan pag tinitigan mo lang yan.."pagbibiro ko.
Nag-angat siya ng tingin..oppss..ang lapit tuloy ng mukha namin..ekk?
"Ngayon ko lang napansin..maganda ka pa lang talaga kaya ka nagustuhan ni Miyata.."mahinang bulong niya.
>///<? Ehh..? Ano ba ang sinasabi ni Mito?
"Yumi..!"napatuwid tuloy ako ng tayo.
Paglingon ko ay nakita ko si Miyata na madilim ang mukha na nakatingin sa amin."Pumunta ka nga dito." utos nito.
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
PrzygodoweNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...