YUMI POV
Hindi maalis-alis ang malapad na ngiti sa aking labi habang nakatingin ako sa harap ng salamin.Lalabas kasi kami ngayon ni Miyata..as in DATE..^___^
"Yumi ano ba tapos ka na ba mag-bihis?"nakakunot ang noo na sumilip na NAMAN si Miyata sa aking silid.
Pangatlong beses na niya yan..Ganoon ba katagal ang labing limang minuto?Eh kada limang minuto yata e sumilip na siya ng sumilip..>3<
"Malapit na..sandali na lang ito.."nakangiti ako ng lingunin ko siya.
Tiningnan niya lang ako at pagkatapos ay isinara na niya ang pintuan.
Inuna ko kasi na ayusan ang aking mukha..ngayon naman ay isusuot ko na ang damit na bigay sa akin ni Yona.Kulay pink na bestida na ang pinakapalda ay nakabuka katulad ng mga saya ng sumasagala.Hanggang tuhod ang haba nito.Ang itaas na parte nito ay V-neck na may ribbon sa harap.Long sleeve ang istilo nito.
Napangiti ako sa sarili ko sa harap ng salamin.
PERFECT
Masaya akong lumabas na ng aking silid.
"Bagay ba sa akin itong damit na ibinigay sa akin ni Yona?"kumikislap ang mata ko na tanong ko sa kanya.
Eh..tiningnan lang naman niya ako mula ulo hanggang paa pero hindi naman siya nagsasalita.
"Halika na nga.."malawak ang ngiti na ibinigay ko sa kanya kasi naman kahit hindi siya nagsasalita e kita naman sa mga mata niya na nagagandahan siya sa suot ko..lalong higit sa akin..^__^
Ikinawit ko na ang kamay ko sa kanyang braso at umalis na kami.
Napakunot naman ang noo ko nang makarating kami sa pupuntahan namin.
Dito ba kami magde-date?!
As in talagang dito?!
Nagpaganda ako para lang sa pagpunta namin dito?!
"May problema ba Yumi?"tanong sa akin ni Miyata.
Paano ba naman kasi nasa harap kami ng isang KWEBA?!
"Eh..wala naman..ano lang..hindi ba tayo nagkakamali ng pinuntahan?"
"Hindi.."sabi niya at hinawakan na ang kamay ko at pumasok na kami sa loob.
Kyaaa..ang dilim ng makitid na daan na dinadaanan namin...nakakatakot sa loob..
Baka may nakakatakot na nilalang na bigla na lang sumulpot sa harap namin..waaaa..Mayroon lang bahagyang liwanag na tumatanglaw sa dinadaanan namin dahil naglabas ng liwanag sa kanyang mga kamay si Miyata.
Nang may natanaw na akong liwanag..
Doon na marahil ang punta namin..
Hanggang sa narating namin ang dulo ng kweba..
"WOW..ang ganda!"
Hindi ko akalain na sa loob ng madilim na kweba na dinaanan namin ay mararating namin ang ganito kagandang lugar..
Napakadaming mga bulaklak..Iba't ibang uri at kulay ng bulaklak..
Tila dagat ng bulaklak ang buong lugar..
Mayroon ding puno na hitik sa bunga at sa dahon..
Hindi ko napigilan na tumakbo sa gitna at magpaikot-ikot habang sinasamyo ang sariwang hangin..
Batid ko na nakangiti si Miyata habang pinagmamasdan ako..
Nung mapagod ako sa kaiikot ay humiga ako sa mga bulaklak..
![](https://img.wattpad.com/cover/14738010-288-k758393.jpg)
BINABASA MO ANG
Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]
AdventureNakarating ka na ba sa isang lugar na libre ang lahat? Subaybayan ang magulo at mahiwagang buhay pag-ibig ng isang dalaga na napadpad sa isang lugar na tinatawag na Muryou Empire o mas kilala sa tawag na Emperyo ng Libre.. Lahat ng bagay dito ay ma...