Chapter 15-Apat na Emperyo

2.3K 59 2
                                    

Kagigising ko lang at nakasalampak ako ng upo sa gitna ng aking kama.

Napayuko ako sa sarili ko.Suot ko pa pala yung kimono na ipinasuot sa akin ni Yona kahapon.Nakatulog kasi ako ng hindi ko namamalayan paglapat pa lang ng likod ko dito sa malambot kong kama.Masyado kasi akong napagod.

Napabaling ang tingin ko sa aking damit na maayos ng nakatupi sa ibabaw ng kabinet sa tabi ng aking kama.Inabot ko ito.Hmmm..ang bango bagong laba,siguro ay nilabhan na ng mga tagasilbi dito sa palasyo.

Makapagpalit na pala ng damit.

Sinimulan kong tanggalin ang pagkakabuhol ng pulang laso sa aking beywang.Nang matanggal ko ito ay awtomatikong bumuka ang damit ko na mala-roba.Ibinaba ko ang kaliwang manggas kasunod ang kanang manggas mula sa aking balikat hanggang sa nalaglag na ito sa aking katawan padausdos sa kama.

Nang madinig ko ang pagpihit ng seradura ng pintuan.

Marahas akong napabaling sa pintuan.

DUB.DUB.DUB.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Magbubukas na ang pintuan at hindi ko na matatakpan pa ang sarili ko!

NAKA-BRA AT UNDERWEAR LANG AKO..!!

SHEMAAYY..!!

Sino kaya ang nasa likod ng pintuan ng aking silid?!

Sana isang babaeng taga-silbi lamang..pero bakit hindi man lang kumatok??

At tuluyan na nga itong bumukas.

"WAAHHHH...!!!"

Nanlalaki ang mga mata ko nung nakita ko si Miyata!

Pakiramdam ko ay napakapula ng mukha ko.Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha at ang bahagya din na pamumula?

"WAHH..!BASTOSSS..!!"

Tila naman natauhan siya at bigla na lang tumalikod.Dali-dali ko namang isinuot ang damit ko.

Pero..

Waahh..!

Wala na!wala na!nakita na niya ang katawan ko..my gorgeous body!!

"Ano nakadamit ka na?"

"OO!"inis ko na sabi.

Humarap na siya sa akin.

"Bakit ka ba basta na lang pumapasok?!?"inis na sita ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap niya.

"E bakit ba hindi ka nagkakandado?!"inis din niya na sabi.

Aba!

Maiinis pa siya e siya na nga itong pumasok ng walang paalam!

"Ikaw lang ang bukod tanging pumapasok sa silid ko ng hindi nagpapaalam!"

"Pag-aari namin ang palasyo na ito."arogante niya na sabi.

WHAT THE?!

>_<

"Pag-aari??"pakiramdam ko ay lalong nagsalubong ang kilay ko."Porke ba sa inyo tong palasyo may lisensya ka na pumasok na lang basta sa silid ko at makita ako na..na.."

Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko!

>///<

"Na ano?hubad?"painosesteng sabi ni Miyata.

0///0

Namilog ang aking mga mata.

"Pantay na tayo,kung tutuusin wala akong kahit anong panloob nung nakita mo akong naliligo sa lawa..mas higit pa nga ang iyong ginawa dahil sinadya mo na manilip.."tumaas ang sulok ng labi ni Miyata sa pagngisi.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon