Chapter 41-Labis na Pagmamahal

1.7K 46 1
                                        

YUMI POV

"HAHAHA..para kayong benda na tinubuan ng mukha,HAHAHA!"si Shin na halos mautas na sa katatawa.

"Hindi..Hindi..mukha silang espasol na pinagulong sa benda,HAHAHA!"isa pa itong si Shugen.

-___-++

Kanina pa walang tigil sa katatawa ang dalawang ito habang nakahawak pa sa kanilang tyan simula ng lumabas si Mito at Ken sa silid ng manggagamot na si Kaika.Nakasimangot naman at hindi maipinta ang mukha ng dalawa.

Isang araw na ang nakalipas ng makabalik kami sa Emperyo ng Libre..Ang nakakalungkot lang ay nananatili pa ding nakakulong ang ina ni Miyata sa salamin.

Simula ng makabalik kami ay nanatili na sila Mito at Ken sa silid ni Kaika para gamutin.Dahil sa dami ng pinsala nila ay hindi sila nagawang gamutin ng lubusan ni Kaika kaya naman para silang mga mummy ngayon.Oo,yun ang description ko sa kanila..pero secret lang natin yun dahil baka makatanggap ako ng mag-asawang batok..hehe.

"Sige wag kayong tumigil ikakadena ko kayong dalawa."inis na sabi ni Mito.

"Pagtitigisahan nyo naman ang kunai ko habang nakakadena kayo."asar din na wika ni Ken.

"Miyata!"malayo pa ay malakas na ang boses na tawag ni Rima kay Miyata na nakapagpabaling ng tingin namin sa kanya.

Kamusta naman siya?Ayon sa kanya simula nung inimbitahan kami sa isang salo-salo ni Akashima sa palasyo ng Shinobi ay wala na siyang maalala.Hinuha namin ay tinaglay na niya ang itim na hiyas ng mga oras na iyon.Nagkamalay din siya agad sa tulong ni Kaika nung makarating kami dito.At nung nalaman niya na kami na ni Miyata ay lalo siyang nagalit sa akin.

Patunay ang masama niyang tingin na ipinukol sa akin habang papalapit sa amin ngayon.Walang pakialam na umabrisete ito kay Miyata kahit na kaharap ako.Napasimangot tuloy ako at napansin ko naman na dumilim ang mukha ni Mito?Inalis din naman ni Miyata ang pagkakaabrisete ni Rima sa kanya na ipinagdiwang ko.

"Oy Rima may utang ka sa amin ni Mito..ikaw ang may gawa nito sa amin..tss."bungad ni Ken kay Rima na parang wala lang naman ang kanyang pagkakasabi at tila nagbibiro.

""Hindi ko alam.."nangunot ang noo ni Rima na parang pilit inaalala ang nangyari.

"T-alaga bang wala kang natatandaan?"nag-aalangang tanong naman ni Mito?

Umiling si Rima.

"M-abuti naman.."napahawak si Mito sa batok niya at bahagyang namumula?

Eherm..i smell something fishy..

"Biruin mo sumugod si Mito sa Jumon at nagpakabayani para iligtas ka tapos latigo lang ang inabot niya sa'yo.."asar pa ni Ken sinamaan namin ito ng tingin ni Mito.

"Hindi ko nga sabi natatandaan yung mga nangyari..ang sabihin mo kaya siya sumugod mag-isa kasi wala kayong mga kwenta."ingos ni Rima.

"Aray naman..ang sama mo talaga kahit kailan.."Ken clutch his chest in an imaginary pain."Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa kanya.?"nakangisi pa ito.

'S-alamat M-ito.."nag-aalangan na sabi ni Rima na parang namumula?She also stammered..siguro dahil siya yung tipo na hindi sanay ng nagpapasalamat.

Nakita ko naman na napangiti si Mito.

"Oy Yumi.."matalim ang tingin na baling nito sa akin.

Err..?

Sigurado ba sila na hindi na siya kinokontrol ng itim na hiyas?

Na hindi na siya sinasapian? Para kasing possess pa din siya sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin..

Pagkatapos ay malapad siyang ngumiti sa akin..?o__0??

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon