Chapter 24-Mga Damdamin

1.8K 58 3
                                    

Wala na akong maramdaman..namamaos na ako..nanlalambot na ako sa kapapalag..patuloy na lang na umaagos ang luha ko..

Nang sa akala ko ay tuluyan na nila akong mapagsasamantalahan ay nakadinig kami ng tunog ng isang nagngangalit na hayop..

"Ituturo ko sa inyo kung paano gumalang ng babae.."

Nabaling ang tingin namin sa isang binatang dumating..

Si Miyata kasama si Kai..lalo akong napahikbi..mabuti at dumating sila sa oras!

Napansin ko na napakadilim ng mukha ni Miyata..bakas ang labis niyang galit..

"Wag kang makialam-

Hindi pa natatapos nung samurai na nakakubabaw sa akin ang sinasabi niya ay iglap na siyang nawala sa ibabaw ko..

Itinakip ko ang kamay ko sa aking dibdib na nahantad dahil nasira ang damit ko..lalo akong sumiksik sa kinauupuan ko.Nararamdaman ko na hindi pa din napapawi ang pagkatakot ko at patuloy pa din sa pag-agos ang luha ko..

Walang tigil na pinagsusuntok ni Miyata ang lapastangan na samurai.Lupaypay na ito at walang malay habang hawak niya sa kwelyo..hindi na din makilala ang mukha nito na napupuno na ng dugo.Samantalang yung mga kasama nito ay akmang tatakbo na..

"Grraarrr.."hinarangan lamang ang mga ito ni Kai.

Napaurong ang mga ito sa takot.Marahas na binitawan ni Miyata ang samurai na hawak nito at matalim ang mata na hinarap ang mga kasama nito.

"Napag-utusan lang po kami ng isang mandirigma.."natatakot na sabi nung isa..ang mga mandirigma ng Subeta marahil..nakita ko na nagtagis ang mga bagang ni Miyata. 

Naglabas ng enerhiya si Miyata sa kanyang dalawang kamay at ipinatama sa dalawa.Walang malay na sumadsad ang mga ito sa lupa kasunod noon ay mabilis naman na nakalapit si Miyata sa dalawa pa na binigyan naman niya ng malakas na suntok yung isa habang yung isa naman ay isang malakas na sipa.

Lahat sila ay mga wala ng malay.

Bumaling na siya ng tingin sa akin.Nakikita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata sa kabila ng galit.Lumapit siya sa akin habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.Tumingkayad siya sa aking harapan na nakaluhod ang isang tuhod na tulad ng isang kabalyero.

Tumaas ang kamay niya at hinawakan ang aking pisngi.

"Nandito na ko..wag ka ng umiyak..hindi ko na hahayaan pa na makalapit sila sa'yo.."sabi niya kasabay ng pagpahid sa aking mga luha.

Hindi ko na tuloy napigilan ang aking sarili at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap.Sumubsob ako sa dibdib niya at umiyak ng umiyak.Ginantihan niya din ang aking yakap habang hinahaplos ang buhok ko na nawala na sa pagkakaipit.

"N-natakot ako.."garalgal ang boses na sabi ko.

Nadinig ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

"Wag ka ng matakot..papangalagaan kita hangga't andito ka sa aming mundo..dadaan muna sila sa mga kamay ko bago ka nila masaktan.."

Dub.Dub.Dub.

Aalagaan daw ako ni Miyata..bakit ang sarap sa pakiramdam na marinig sa kanya ang bagay na yun.. 

Nang bigla na lang niya akong inilayo sa kanya.

"Ang init mo Yumi.."hinawakan niya ako sa leeg at sa noo."inaapoy ka ng lagnat!"

Kanina ko pa nga nararamdaman na masama ang pakiramdam ko..siguro dahil nabasa ako ng ulan nung naglalayag kami..dahil na din siguro sa hindi sanay ang katawan ko sa ganitong paglalakbay..nakakapagod.

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon