Chapter 10-Lawa ng Kalinisan

2.4K 63 2
                                    

"Hmmm..ang bango naman.."sininghot-singhot ko pa.

Ano kaya iyong naaamoy ko..Mukhang napakasarap na pagkain.Sinundan ko ang direksyon kung saan ko ito naaamoy.

Ipinikit ko ang aking mga mata para langhapin ito.Nararamdaman ko na malapit na ako...

Eto na..di ako maaaring magkamali ito na yung naaamoy ko..

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko mismo sa harapan ko na mayroong bowl ng mainit na pagkain..at may kamay na nakahawak dito..

Pag-angat ko ng tingin..

"Anong ginagawa mo..?"sabi ni Yona.

"Ahe..he..inaamoy..ang bango naman kasi.."napakamot tuloy ako sa ulo ko ng wala sa oras.

"Mabango talaga ito at masarap.."nakangiti na sabi niya habang nag-niningning ang mga mata.

 "Anong putahe yan?"

"Nilagang oso."

"Talaga nilagang oso yan??"

"Oo isang malaki at matabang oso."

"Ano yan gawa ng mahika?"

"Hindi..hinuli ko ito."

"E di ba mahirap manghuli ng ganyan dahil mababangis ang mga iyan?"

"Oo pero tinulungan ako ni Shugen at pagkatapos ay niluto ko ito.."buong pagmamalaki na sinabi niya.

"Wow marunong ka pala magluto ako kasi ay hindi..teka..bakit nagluto ka pa pwede naman na gumamit ka na lang ng mahika di ba.."

"Kasi mas gusto yung pinaghirapan ko yung ibibigay ko sa kanya.."

"Ibibigay sa kanya?kanino?"

"Ha..ah..eh.."

"Ibibigay niya kay Liu."napatingin ako sa nagsalita.

Si Kira..Pagtingin ko naman kay Yona sobrang pula ng mukha niya.

>/////<

"MAY GUSTO KA KAY LIU?!?"

"Ha..ah..e oo..si Kira naman ibinuko ako.."napayuko siya sa hiya.

"WAHHH...!KYAHH...!"tili ko..hayaan nyo na ko sa kinikilig ako e."Alam ba niya?"excited ko na sabi.

"Hindi..nakakahiya.."

"Bakit ka naman mahihiya..maganda ka naman bagay kayong dalawa..!"

Mas lalo tuloy siyang namula sa sinabi ko..ang cute niya.Naramdaman ko naman na hinawakan ni Kira ang kamay ko..

Ekk..

>///<

"Tara na Yumi..iwan na natin si Yona para maibigay na niya yang niluto niya kay Liu..baka lumamig pa yan.."

"Oo nga..sige Yona..!"nag-wave pa ako sa kanya hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo ni Kira.

"Gusto mo bang magpunta sa museo sa bayan?"

"MUSEO..YUNG LAGAKAN NG MGA ANTIK AT MGA KAKAIBANG BAGAY?!?"

"Oo yun nga..gusto mo bang ipasyal kita doon?"nakangiti niya na sabi.

 "WOW..SIGE PASYAL TAYO DUN..!"excited ko na sabi.

At ngayon ay sakay kami ng isang makisig na kabayong itim.Nasa unahan ako habang nasa likudan ko si Kira..Parang halos nakayakap na siya sa akin..

Naman..ang init..

KYAHH....!

>///<

Hindi ko na tuloy namalayan na nakarating na kami sa bayan..

Muryou1:Emperyo ng LIBRE[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon