"Sige na kasi sis! Isang beses lang naman!"
Kaharap ko ngayun ang aking bestfriend na kanina pa ako kinukulit tungkol sa lugar na gusto nyang puntahan.
"Alam mo naman na ayaw kung pumunta doon! Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga ganyan!" ~sagot ko sa kaibigan ko na hanggang ngayun ayaw parin akung tigilan.. makulit talaga itong si Ella gusto nya kasing pumunta kami doon sa sinasabi nilang magaling daw na manghuhula.
Marami narin akong naririnig pa tungkol sa nasabing manghuhula. Lahat daw nang nagpahula rito ay nagka totoo. Sabi pa nila magaling daw ito kahit na yung mga nakaraan mo ay nahuhulaan daw nya kahit wala ka naman dawng sinasabi at tahimik ka lang sa isang tabi ..alam na nya kung anung gusto mong ipa hula.
"Hindi ka rin naman lang naniniwala! Subukan mo nalang! Wala namang mawawala." ~pagpipilit ulit ng kaibigan ko.
Haaayys... kung hindi ko lang ito matalik na kaibigan. Hindi rin naman kasi ako naniniwala sa mga hula. Tingin ko ay gawa~gawa lang naman ang mga salita na sinasabi nila. Mga salita na kapag pinaniwalaan mo.. talagang magkakatotoo.. paano! yun na kasi ang laman ng utak mo kaya nangyayari.. tsaka tingin ko peperahan lang naman kami nyan tsk.!
"Baka mahal ang singil nyan!" ~sagot ko kay ella baka sakaling magbago pa ang isip nya.
Pero sa mukha palang nito halatang disidido talaga syang magpahula.
"Hindi! Ikaw ang mag dedesisyong kung magkano ang ibibigay mo. Ilalagay mo lang yung bayad mo kahit saang parte ng kubo nya." ~sagot ni ella halatang maraming alam.
"Haayys... sige... ou na.. sasama na ako. Pasalamat ka mahal kitang kaibigan ka.."
Bigla nalang akong niyakap ni ella. Halatang tuwang~tuwa.
"Naku! Sabi ko na nga ba papayag ka eh!" ~sabi ni ella sabay hila sa akin papasok sa bahay namin. Siya pa mismo ang kumausap sa magulang ko para ipag-paalam ako. Hinila nya pa ako hanggang sa kwarto ko para makapag bihis.
_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_
"Rose Mendez" ~biglang sabi ng isang babae pagkapasok ko palang sa kubo nya.
"Maupo ka"~ nakangiti nitong lahad sa upoan sa harap.
Nakapagtataka na alam nya ang aking buong pangalan. Marahil ay nasabi na ng aking kaibigan na naunang pumasok dito kanina bago ako.. sa labas kasi ay may maliit na cottage kung saan doon naghihintay lahat ng magpapahula. Nakapagtataka din na kami lang yata ang dumalo ngayun para magpahula.
Tinitigan ko ang nasabing manghuhula sa harap ko.. magkaharap kami at may nakapagitan na lamesa sa harap namin.. ngayun lang ako nakakita ng manghuhula na ganito ka ganda.. nakasanayan ko kasi na kapag sinabing manghuhula ay isang matandang babae kaagad ang pumapasok sa isip ko pero ang kaharap ko ngayun ay malayo sa iniisip ko. Isang dilag na napaka ganda at mala anghel kung ngumiti. Nakaka insicure naman.
"Alam ko kung anung iniisip mo Rose. Halos lahat ng pumupunta dito ay ganyan din ang iniisip" ~nakangiti nitong sabi.
Bigla akung namula dahil sa mga pinag-iisip ko.
"Ahmmm... . . ." ~tanging nasabi ko lang.
"Ako nga pala si Vina ~~at sa tingin ko wala ka namang gustong ipa hula... sinamahan mo lang ang
kaibigan mo. Tama ba?"
"Ahhh.. ou.. yun nga.." ~maliit na boses na sagot ko.
"Isa kang mabuting kaibigan Rose... . . " ~nakatitig nitong sabi sa akin. Di tulad ng ibang manghuhula wala siyang kahit anu sa lamesa. Ni bolang kristal o tarot card man lang. Wala talaga. Nakatitig lang ito sa akin na parang kinakabisa nya ang mukha ko.
"Pero darating ang panahon na kailangan mong umalis... . .para makatulong sa mga magulang mo."~ dugtong pa nito.
"Ahhmmm... . Marahil ay ganun nga Vina.. katatapos ko lang kasi sa koleheyo at kailangan ko rin namang makabawi sa mga magulang ko sa pag~papaaral nila sakin" ~sagot ko rito
Tumango-tango lamang ito at ngumiti sa akin
"Tulad ng iyong pangalan ... . . Para kang isang rosas maganda sa loob at labas.. . .pero lahat ng susubok na humawak sa iyo ay masasaktan... . . Dahil sa taglay mong tinik." ~sabi nito na hindi ko halos maintindihan dahil sa makahulogan nyang salita.
"Anung ibig mong sabihin vina?" ~ nakakunot noong tanung ko.
"Isang tao na mananatiling tinik na naka dikit sayo... . .wag ka lang makuha at mahawakan ng iba. " ~makahulogang dugtong ulit nito
"Hindi ko talaga maintindihan vina... . .""Ang sinasabi ko ay ang iyong buhay pag-ibig Rose" ~nakangiti nitong sabi.
"Napaka swerte mo dahil tapat ang lalaking ito sayo.. . . Sya ang tinik na nag-pro-protekta sayo.. . . Pero sya rin ang dahilan kaya walang may gustong lumapit sayo... . . " ~dugtong ulit ni vina.
Natahimik ako sa kanyang sinabi. Buong buhay ko pamilya, pag-aaral at ang nag-iisang kaibigan ko lang ang napagtutoonan ko nang pansin.. . . Pero may parte sa akin na naghahangad na makaramdam man lang ng pagmamahal mula sa isang kasintahan.
"Lahat ng tao Rose... . .. naghahanap ng tunay na pag-ibig." ~nakangiti itong nakatitig sa akin na parang alam nya kung anung laman ng isip ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Johan's Note: Nakuha ko yung idea mula sa experience namin nung bestfriend ko noong nagpa hula kami. Hope you like the story.Tell me whats on your mind 😇
Special mention sa unang mag comment. 🤗👇💌
BINABASA MO ANG
Rose Thorns (Thunder Zamora)
RandomRated SPG Contains mature content please be reminded! _*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_ A story about how gorgeous ROSE MENDEZ meet a man named THUNDER ZAMORA. A very intimidating man. Known to be everyone's n...