CHAPTER THREE

602 22 0
                                    

Matapos mailibig ni daddy lahat nag bago na sa huhay ko . Bilang isang asawa anak at tao .

Parang naputulan ako nang isang pakpak at lumagapak ako nang todo sa lupa .

Ang mommy ko nag punta nang Japan . Dun daw niya gusto dahil doon daw sila nag honeymoon nang daddy . Sabi niya mag aaround the world nalang daw siya para hindi daw siya mabaliw sa bahay , na sinangayunan ko naman.

Nandito ako sa kusina at nag hahain nang pananghalian .

Linggo ngayon at kumpleto nanaman ang tao sa bahay na to . Pano ko ba nakakayanan ang lahat nang ito ?

" ah , bea wag ka na muna kumilos ako nalang muna " si maica ang naging kaibigan ko sa bahay na ito . Paminsan pag tinotopak yan inaaway niya ang nanay niya dahil sa kaartehan .

Umiling ako at inihain na ang pagkain . Hindi na ako masyado umaapila sa kanila . Bahala na sila sa buhay nila .

Bumaba na ang asawa ko at naupo na sa pwesto niya.

" Mahal , pwede mo ba ak-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang tumunig ang telepono niya .

Lumabas siya nang kusina at kinausap ang tumatawag .

Madalas narin wala ang asawa ko , kung minsan gabi na umuuwi at swerte kung makausap ko pa siya .

" ah , hindi na ako kakain aalis ako . Wag ka na muna lumabas sasamahan nalang kita sa susunod na linggo " umakyat siya sa kwarto at nag madaling umalis .

Ni hindi ko manlang naitanong kung uuwi ba siya o hindi .

Mabuti nalang at nag suggest si mommy na lagyan ko daw nang tracking device ang sasakyan nang asawa ko para kung sakaling may mangyare na masama malalaman ko kung nasaan siya .

Ayoko mangyare sa asawa ko ang nang yare sa daddy ko . Business man din ang asawa ko at baka kung negosyo ang dahilan nang pagkamatay nang daddy malamang mangyare din sa asawa ko .

Dahil umalis na nga ang asawa ko , Parang nawalan narin ako nang gana kumain at umakyat nanlang sa kwarto check ko nalang mamaya kung saan siya nag punta para naman makampante ang kalooban ko .

Pag akyat ko sa kwarto namin , parang pinasabugan nang granada sa sobrang kalat nang mga gamit .

Ano ba naman tong lalake na to iniwan lang na nakakalat ang gamit niya .

Pumasok ako sa banyo para tignana ng malamang sangkatutak na kalat na iniwan nang asawa ko .

" dyosko ! Kelan ba ako matatapos sa lahat nang ito " dinampot ko isa-isa ang mga damit na nakakalat sa sahig .

" ano ba to " may natapakan akong isang madulas at malagkit na bagay .

Parang plastic .

Dinampot ko ang plastic at laking gulat ko nang makita ang isang gamit na condom .

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko .
Galing iyon sa pantalon nang asawa ko sigurado ako . Ibig sabihin may babae siya .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon