CHAPTER ELEVEN

597 11 0
                                    

Vincent's Pov

Bakit ba kailangan ko pa masali sa problema nila . Hindi naman akin yung kumpanyang yon . Badtrip !


Imbes na tatanggalin ko na yung bandage ni bella naudlot pa dahil sa kalokohan nung mag tatay na yon . Bwiset !


Hanggang gabi hindi ako tinigilan nang bwiset na kent na yon . Ano bang pake ko sa problema nila .


Umuwi ako nang mainit ang ulo . Ayoko na may makausap na kahit na sino pero tinawagan naman ako ni kevin . Lintek !


Naupo ako sa sofa at tinabihan ako nang kapatid ko .


Kailangan ko kumalma para naman hindi nila makita kung gano ako kabadtrip .


Nakita ko si bella na umakyat pero nilingon pa niya ako . Halata sa mukha niya ang lungkot at takot . Siguro kase galit ako kaya siya natatakot saakin .


" TANGINA " BULONG ko sa sarili ko pero narinig parin parin yun ni kim .


" what happened ?" Kalmado niyang sabi . Hindi pa ako ready na pag usapan ngayon . Maiinis lang ako pag pinag usapan ngayon ,


" may pagkain ba baby girl ?" Niyakap ko siya at hinalikan sa noo .


Hinatak niya ako sa dining table at pinaupo .


" kalma ka lang kuya ah . Kung ano man yang problema mo im sure mawawala yan pag natikman mo ang mga pagkain natin ngayon " hinainan niya ako nang pagkain at naupo siya sa harap ko .


May chicken teriyaki at chopsuey . Mukhang masarap kaya kimain na ako .


" masarap ah . Si bella ang nag luto nito sigurado " tumungo-tungo siya at malawak ang ngiti .


Bilib talaga siya kay bella pagdating sa pag luluto . At sa mga gawain sa bahay .

" wag ka masyado mag paka busog diyan kase may sorpresa pa kame sayo , sigurado lahat nang problema mo mawawala dahil dun . Sige kaen ka lang dyan ah " tumayo siya at ikinuha ako nang juice . Mabait ang kapatid ko at mahal na mahal ko yan , kahit sobrang tigas nang ulo niyan at may tinatagong lalake sakin yan sa ospital love ko parin . Hehe


Natapos ako kumain at bumaba na si bella kasama si kim . Mukang may balak ang dalawang to ah .

" bakit kayo nakatingin sakin nang ganyan ah ?" Nakataas kilay na sabi ko sakanila . Parang may kalokohang binabalak ang dalawang to . Nakakatakot ang mga ngiti ng ganyan ni kim eh .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon