CHAPTER TWENTY SIX

418 10 6
                                    

Vincent

Ilang araw na ang lumipas at medyo nakakarecover na si bella .

Nandito kame ngayon sa palawan .
Sinabi nang doctor saamin na mas makabubuti daw kay bella na makapag pahinga at maging peaceful ang kapaligiran para mas madaling maka recover .

Minsan daw kase ganyan talaga ang mga tao pag nakaranas nang psychological trauma .

Mga bagay na hindi niya nagustuhan o nakasakit nang husto,
Tulad nang pressure , namatayan , naiwan o nasaktan nang mga taong mahal nila .

Mga bagay na mahirap tanggapin at kalimutan .

Nakaupo siya sa shore at nakatingin sa malayo .
Mabuti nga ngayon nag sasalita na siya .

Naupo ako sa tabi niya na may dalang ice cream . Favorite niya kase ang ice cream at cake . Kaso wala naman akonh nabiling cake kanina kaya ice cream nalang muna . Hihi

" bella . Favorite mo oh "
Inabot ko sakanya ang bowl na may ice cream at kinuha naman niya ito .

" ang ganda dito . Parang mas okay kung dito nalang ako mag stay "
Nakatingin lang din ako sa dagat at nag iisip isip.

Mas tahimik nga ang buhay dito at walang iniisip na francis at clariza .


" sige . Kung gusto mo dito na tayo titira "
Ngumiti lang siya at tumingin sa dagat .

" may buhay ka sa manila . Maraming umaasa at nag hihintay sayo doon vince . Kailangan mo sila balikan "
Alam ko naman yun , pero hindi kaya nang konsensya ko na iwan nalang siya dito mag isa .

" oo nga eh . Marami na akong na cancel na meetings . Pero hindi ako babalik sa manila pag hindi kita kasama . Marami din ang umaasa sayo dun bella . Marami din ang nag hihintay sa pag babalik mo . Mga tauhan niyo sa salon at yung company natin . Na approved na yung balak natin na talent agency . Ikaw nalang ang hinihintay . At ikaw lang ang tanging makakagawa nun nang maayos "

Isa yan sa bilin saakin nang doctor . Kailangan maibalik ako confidence niya sa sarili para mas mabilis ang pag recover niya.

" pag iisipan ko muna "
Kinain niya ang bigay kong ice cream .

Sana makatulong sakanya ang mga ginagawa ko ,

" edi hihintayin ko kung kelan ka mag decide para sabay tayo uuwi sa manila "

Malayo ang tingin ko . Sana maging okay na siya . Gusto ko na kase sabihin sakanya ang nararamdaman ko .

Aaminin ko na sakanya na mahal ko siya .

Na hindi ko siya iiwan .

Na ipag lalaban ko siya .

Ngayon sigurado na ako .

----
Bella

Nandito ako sa kwarto ngayon nag aayos nang gamit ko .
Nakapag desisyon na ako na uuwi na sa manila para naman magawa ko na yung mga dapat mong gawin duon.
Marami akong naiwan na trabaho sa manila . Tsaka isa pa kawawa naman si kim kase siya nalang lagi ang na momroblema sa shop at sa mga stocks and deliveries nang mag damit .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon