CHAPTER TWENTY EIGHT

383 11 4
                                    

Vincent

Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas nang loob na magtapat nang nararamdaman ko kay bella .

Alam ko naman na parang wala na akong pagasa dahil mahal parin niya si francis .

Pero nag baka sakali ako na baka may puwang ako sa puso niya. Na baka sakaling may chance .

Pasado alas dos na nang madaling araw hindi ako makatulog eh. Kaya pinakiramdaman ko ang paligid.

Lumabas ako nang kwarto at naisip ko na silipin si bella .
Dahan dahan kong binuksan ang pinto , pero tulog na bella ang tumambad saakin .

Lumapit ako sakanya at tinitigan ang mukha niya.

" mahal kita bella "
Hinalikan ko ang ulo niya at inayos ang kumot bago ako lumabas nang kwarto.

Sunod kong pinuntahan si kim . Gusto ko kase hingin ang opinyon niya tungkol sa ginawa ko at sa nararamdaman ko.

Kaya naman dahan dahan din akong pumasok sa kwarto niya at hindi gumawa nang kahut anong ingay . Mabilis kase magising si kim , kaya konting ingay lang nagigising agad . Baka maistorbo ko siya sa pag tulog mababato ako nang wala sa oras.

Binuksan ko ang pinto pero nagulat ako nang makita si kim na nakatalukbong nang kumot pero may kausap sa cellphone.

Aba . Gabing gabi na ah !

Dahan dahan ako lumapit at naririnig ko pa ang boses ni kim.

" ano ba naman yan . Bye na kase , good night na"
Nanatali akong tahimik sa likod niya dahil nakatagilid siya sa pagkakahiga .

" ang kulit mo talaga lucas "
Si lucas pala ang kausap niya . Tsk ! Tong batang to babatukan ko to talaga .

" ih . Naman ih . Kase may pasyente ka pa dyan mamaya umayos ka .. oo na nga ih . Hihihi"
May kilig pa sa tono nang boses at halatang landian ang ginagawa . Nung ganyan edad ko hindi aki nakikipag puyatan sa cellphone . Tsk !

" oo na nga , sige I ' sabay tayo ah "
Aba . Harot !

" I - lov-"
Pinutol ko na ang sasabihin niya , inangat ko ang kumot at lakinh gulat niya nang makita ako .

" k-kuya "
Pinatay niya kaagad ang tawag at napabalikwas sa kama niya .

" ahhh , sigi sabay tayo ahh "
Pag gaya ko sakanya sabay hampas sa brasi niya . Loko to ! Madaling araw na nakikipag harutan pa.

"A-aaarrraaay naman kuya"
Kunot ang noo niyang humihimas sa braso niya .

" gabing gabi na humaharot ka pa"
Nakanguso at nakasimangot naman si kim saakin . Hihi basag ang trip.

" grabe siya oh . Harot naman kase"
Umusog siya nang kaunti at pinaupo ako sa tabi niya.

Tss . Uutuin nanaman ako nito .


" uutuin mo nanaman ako "
Kunwari badtrip ako sakanya . Haha

" grabe talaga siya sakin oh ! Lalambingin ka lang eh . Uto agad . Teka nga bakit ka ba nandito "
Naalala ko ang talagang motibo ko dito . Napahinga nalang ako nang malalim , tsaka sumandal Sa headboard nang kama ni kim.

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon