CHAPTER THIRTYSIX

798 20 21
                                    

Bella

Its been a long day at pauwi na kami ni vincent from the hospital .
Pina cancel na niya ang afternoon meetings niya with the board members at ibang clients .

Iilang salita lang ang lumalabas sa bibig ko at tila umuurong ang dila ko .

Nakatingin lang ako sa bintana nang sasakyan at malayo ang tingin sa kung nasaan ako ngayon.
Naiisip ko ang mga bagay bagay na naganap ngayong araw. Tila planado ang lahat .

Mahal ako ni francis ??

Nasaktan ako sa sinabi ni clariza na mang aagaw ako nang asawa .

Ako ba hindi naagawan ?
Alam niya ba kung anong pinag daanan ko ?

Ako nga ang dapat mag sabi nun pero tila naduwag ako .

Naduwag nga ba ako ?

Tahimik kong pinag masdan si vincent .

Alam kong nag aalala siya saakin .

Gusto kong lumaban kanina .
Gusto kong ipag sigawan na ako....

Ako si beatriz at ako ang asawa ni francis .

Gustong gusto ko gawin yun .
Makabawi manlang sa masasakit na salita na sinabi niya saakin
Pero natakot ako .

Natakot ako nang malaman ko na gusto ni francis si bella .
Natakot ako na baka pag nalaman niyang ako si beatriz ay ipilit niyang pag hiwalayin kami ni vincent .

Mahal ko si vincent .

Sobra pa sa naramdaman kong pag mamahal kay francis noon .

Isa pang inaalala ko ay yung lalake na lumapit saakin sa mall .

Pilit ko talagang inaalala kung nakilala ko na ba siya o nakita .
Papano niya nalaman na ako si beatriz ???

Napapikit at napabuntong hininga nalang ako .
Wala ako sa mood makipag harutan pero ayokong nag aalala saakin si vincent .
Masyado na siyang maraming problema kaya naman ayoko nang gatungan pa .

" m-mahal."
Mahina pero sigurado akong maririnig niya ako .

Lumingon siya sa gawi ko at tumingin agad sa daan .
Malakas ang ulan at madulas ang kalsada kaya hindi niya ako matignan nang matagal .

" oh . Ayos ka lang ba ? may masakit ba sayo?"
Dahan-dahan niyang hininto ang sasakyan sa isang tabi nang kalsada bago humarap saakin .

Tila isang mabilis na lumabas ang mga luha sa mata ko .
Hindi ko alam kung bakit pero iba ang nararamdaman ko .

Galit.

Dahil sa dami nang tao na mag sasabi saakin na mang aagaw ako ay kay clariza pa talaga nang galing ang salitang iyon .
Nag balik lahat nang sakit saakin nung mga panahon na nag durusa ako sakanila ni francis .
Handa na sana ako kalimutan ang lahat .
Palipasin ang mga mapapait na alaala at mag simula nang bago kasama ni vincent .
Pero may isang bagay ang bumabagabag saakin .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon