CHAPTER FIVE

610 18 0
                                    

Sobra akong nasaktan sa nakita ko at umabot na sa puntong gusto ko na rin mamatay .

Nawala ang daddy ko a weeks ago .

Umalis si mommy para makalimot sa sakit nang pagkawala ni dad.

Nahuli ko na nang babae ang asawa ko . Ang masaklap pa niyan hinihiwalayan pa ako .

Nag drive ako nang nag drive at tila wala nang katapusan ang byahe na ito .
Ngayon ang tanging nasa isip ko ay ang makawala sa lahat nang sakit na ito.

Flashback

" Baboy "

"Panget naman ."

"Baboy na panget pa ."

Parang isang bangungot ang nangyari sa buhay ko .
Simula nung college ako yan na ang naging buhay ko . Araw araw walang ibang sinabi ang mga tao sa paligid ko kundi ang mga salitang yan .

" Aba ang malas naman niya . Mataba na nga tapos hindi pa maganda. Kung hindi pa yan mayaman hindi pa yan makakapag asawa ."

" Oo naman . Ang panget kaya niyan ."

" Baboy , ambisyosa akala niya pag nakapag asawa siya nang gwapo gaganda siya."

Hanggang sa nagka asawa ako walang nag bago . Ang masama pa nga niyan pati mga inlaws ko ginaganyan ako .

" Magpa retoke nalang siya nakinabangan pa niya pera niya ."

" Oo nga at least kahit retoke gumanda siya . Tss ."

" napaka taba at napaka panget , pano natitiis nang asawa niya na makasama yung ganyan ka panget e ang gwapo naman nun "

Buti nalang kahit ganyan ang naging buhay ko may mga tao parin na tao ako ituring at hindi baboy .

" hoy bakit inaaway niyo best friend ko ? Kakapal nang mukha niyo , ang papanget niyo rin . Mga chakang to "  ang best friend ko na laging nandyan para ipag tanggol ako sa mga umaapi saakin .

" hayaan mo na sila anak . Lahat sila ay naiinggit lamang sayo dahil gwapo ang asawa mo at mayaman ka . Ang hindi nila alam ay napakaganda mo dahil dito" turo niya sa puso ko. " maganda ang nilalaman nito at busilak . Para saakin ikaw ang pinaka magandang nilalang. Hindi man sa katawan pero sa puso at pagkatao mo mas maganda ka pa kesa sa kung sino man" kahit ganito ako nandyan ang mommy ko para mapagaanin ang loob ko .

" ikaw ang pinaka maganda anak . Wag kang susuko . Lumaban ka ! Alam mo ang higit na malakas anak ay ang pananalig sa diyos at ang tiwala sa sarili kaya kahit anong hirap ang pag daanan mo . Kahit sino ang mang api sayo , para saamin mga taong nag mamahal sayo ikaw ang pinaka maganda at pinaka matapang na babae na nakilala ko . Kaya napaka swerte namin saiyo nang mommy mo . Mahal na mahal ka namin " at ang daddy na laging nag tuturo saakin na lumaban . Ngayon wala na siya ,

Wala ang mommy at best friend ko .

Nawala na ang lahat saakin .

Nawala ang taong nag tatanggol saakin .

Ang taong nag papalakas nang loob ko .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon