CHAPTER TWENTY TWO

406 10 1
                                    

Vincent

Hating gabi na at wala parin si bella .
Nagtext yung security giard na nag pa reschedule nang reservation ai francis dahil may emergency daw ito .

Nag aalala na ako kay bella .
Alas dos na nang madaling araw . Saan kaya nag punta yun ?

Naka off ang Cellphone niya .

" where are you "
Naiinis na ako . Sana manlang nag text siya kung hindi siya makakauwi para hindi ako mag antay .

Nagtimpla ako nang kape at tinawagan ko si jordan pero mukhang tulog narin dahil hindi na sinasagot ang tawag ko.

Tss . Siguro ang saya niya dun .

Nag decide ako na lumabas .

Hahanapin ko siya ,

Pero saan ko naman siya hahanapin ??

Naisip ko yung email na sinend saakin ni jordan . May address si francis dun eh .

Kasalukuyan akong nag checheck nang email nang may bumusina sa labas.
Siguradong si bella na yun .

Nag madali akonh pumunta sa gate para buksan iyon , at tumambad saakin ang sasakyan ni kim.

Galit ako pero talagang nag alala ako sakanya , kaya naman nang maka baba siya sa sasakyan ay hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya . Ang weird ko ba ?

" sana nag sabi ka na gagabihin ka para hindi ako nag alala "
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa , pati narin ang braso niya at damit.

Mukha namang ayos lang siya .

Medyo .

" nag inom ka ?"
Amoy alak siya . Peri hindi naman siya mukhang lasing .

" a-ah , sorry . Hindi na ako nakapag text kase lobat yung cellphone ko eh, pasensya na talaga "
Yumuko pa siya sa harap ko pero agad ko rin inangat ang ulo niya,

" wala yun , halikana mukhang inaantok ka na pumasok na tayo "
Pumasok kame sa loob nang bahay . Inalok ko pa siya kumain pero tumanggi na ito . Mukha namang hindi siya nabigo sa ginawa niya .

" vince , pwede ba tayo mag usap ?"
Umupo siya sa sofa at tumabi ako sakanya . Ano naman kaya pag uusapan namin nito ?

" nakakalungkot lang na hindi ko pala talaga kilala ang asawa ko "
Pag sisimula niya .

Nanatili akong tahimik at nakayuko .
Ano kaya ang nangyare ??

" bilang bella , nakausap at nakasama ko siya . Sobrang iba siya sa nakilala kong francis . Iba siya sa asawa ko "

Tinignan ko siya pero nakaupo lang siya at nakapangalumbaba sa sofa .

" masayahin , maloko at madaldal na francis yung kasama ko kanina"
Huminga siya nang malalim bago nag patuloy sa kwento niya .

" kahit kailan , mula sa unang araw na nag sama kame bilang magkaibigan, at magassawa hindi ko pa siya nakita na ganun kasaya , ganun ka loko at ganun ka daldal . Ni hindi nga siya nag kkwento eh . Sa totoo lang , parang hindi aiya yung francis na minahal ko . Naninibago ako, pero ang higit sa lahat na realised ko na hindi niya talaga ako mahal , na hindi niya talaga ako minahal . Na hindi niya ako kayang mahalin "

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon