CHAPTER TWENTY THREE

407 14 0
                                    

Vincent

Maaga ako nagising ngayon dahil narin sa lakad namin ni bella.
Bumaba ako sa garden dahil expected ko na nag wo'work out siya pero si kim lang ang naabutan ko dun at nag bbreakfast mag isa.

" baby girl bat mag isa ka ? Asan si bella ?"
Binaba ni kim ang iniinom niyang gatas tumingin saakin.

" uy namimiss niya "
Tss . Bully ,

" seryoso . May lakad kame ngayon "
Naka pamewang pa ako at kumuha nang tinapay na kinakain niya .

" wala pa nga eh . Hindi pa bumababa . Diko na kinatok sa kwarto niya baka tulog pa "
Sabay tingin sa cell phone niya at hindi na ako pinansin.

Himala . Tulog pa ! Bakit puyat ba siya ?

Umakyat ako sa kwarto niya at naiwan na nakabukas ang pinto .

Ang lamig at ang dilim . Sobrang lakas yata nang aircon niya.

Pumasok ako at binuksan ang ilaw .

Nakita ko siyang nakabaluktot sa kama at balot na balot nang comforter ang sarili .

Lumapit ako at umupo sa kama niya .

" bella . Gising na may lakad tayo ngayon "
Pero walang response .

" puyat ka ba ?"!

Binuksan ko ang kurtina para naman pumasok ang sikat nang araw , pero hindi siya natinag.

Bagkus tinakpan pa niya nang unan ang mukha niya .

" bella , huy . Ano ba ! Gumising ka na para makakain at maka ligo , may lakad tayo ngayon diba ?"

Lumapit ako ulit sakanya at tinapik siya sa balikat pero

" bel-"
Natigilan ako nang maramdaman ang init nang katawan nito .

May lagnat siya !

" bella , nilalagnat ka ba ?"
Inangat ko nang kaunti ang comforter para mas mahawakan ko siya , at tama ako may sakit nga siya ,

" ughm , uhgh "
Inuubo pa siya , ano ba nangyare sakanya ?

" bella , ano ba nangyare sayo . Sandali kukuha lang ako nang gamot"
Hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako tumayo .

" o-okay lang ako *cough* vince . Maliligo na ako "
Ngayon siya naman ang pinigilan ko .

Maliligo ? Papatayin niya ba sarili niya eh sobrang init nga nang katawan niya.

Pinatay ko ang aircon at binuksan ko ang mga bintana para pumasok ang sikat nang araw .

" mahiga ka muna dyan at ikukuha kita nang gamot at pagkain. Wag na matigas ang ulo mo at lalo kang hindi gagaling niyan "

Bumalik siya sa pagkakahiga at nag madali na ako bumaba para kumuha nang gamot at pagkain .

" putcha ano ba kukunin ko "
Aligaga akong nag hahanap nang mga gagamitin ko.
Satotoo lang eto palang ang pangalawang beses na nataranta ako nang ganito .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon