CHAPTER TWENTY SEVEN

407 12 3
                                    

Bella

Nagising nanaman ako sa hospital .

Bakit ba lagi nalang ako naririto .

Pumikit ako at inisip kung ano ang ngyare at nandito nanaman ako.
Sinusuki na ko nang st.lukes ah? Masyado na silang kumikita saakin.

Flasback

Bigla nalang ako nahilo sa sobrang pag iisip .

Tila may nakit akong vision sa isip ko .

Nung gabing naaksidente Ako.

Hindi pa malinaw pero pamilyar yung boses nung lalake.

Tapos may babaeng sumigaw .

Narinig ko yun ..

Sa sobrang hilo ko nung gabing iyon halos mawalan na ako nang malay pero ang isip ko at ang pandinig ko ay gumagana pa .

" honey pinatay mo siya"
Sabi nung babae. Sino sila.

Pilit kong binubuksan ang pintuan nang sasakyan .

" aksidente ang ngyare"
Naririnig ko sila.

Parang kilala ko yung mga boses na yun .

" halika na sasabog na yang sasakyan , hayaan mo na mamatay yang babae na yan"
Galit ang tono nang lalake , pero imbis na tulungan ako , narinig ko pa ang tawa nung babae.

Masaya ba sila na mamamatay na ako?

Narinig ko pa ang pag andar nang sasakyan palayo .

Nabuksan ko ang pintuan at pilit na inalis ang sarili ko sa loob nang sasakyan.

Pero talagang mahina na ang katawan ko hindi ko kaya .

May naaaninag akong ilaw .

Bumalik kaya yung dalaw ?

Sumigaw ako para makahingi nang tulong .

Ayoko pa mamatay .

Hindi pa ako pwkedeng mamatay.

"Tulongggg! Tulungan niyo akoo"
Sasabog na daw yung sasakyan .

Parang awa niyo na . Tulungan niyo ako .

**
End of flashback

Hanggang ngayon sumasakit parin ang ulo ko .
dinilat ko ang mata ko at
biglang may humawak sa kamay ko.

" gising ka na pala"
Si vince .

Ngumiti ako nang matipid sakanya.

" kamusta ? Gusto mo ba kumain ?"
Napaka maasikaso naman nito. Kinikilig naman ako,

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon