CHAPTER SIX

579 12 0
                                    

Maliwanag .

Puro liwanag lang ang nakikita ko .

Nasaan ba ako .

Ang hapdi ..

Patay na ba ako ?

" doc she's still alive "

" get her vital signs "

"Yes doc "

Doc ? Nasaan ba ako ?

"  oxygen "

" nurse , dextrose and oxygen now "

Nurse ? Doc ? Nasa ospital ba ako ?

Pilit kong binuksan ang mata ko .

Mahapdi, masakit hindi ko maidilat .

May biglang tumusok saakin .

Ano ba ito .

Unti-unti akong nawalan nang malay .

Na-nasaan b-ba .

*

Nagising ako na makirot ang buong katawan .

Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon kesa nung kanina .
Kanina nga lang ba yun ? Tanong ko sa sarili ko .

Kailangan ko na umuwi .

Pilit akong tumayo pero may humawak sa braso ko

" maam , wag po ninyong pilitin hindi niyo pa po kaya "  kinapa ko ang sarili ko pero halos hindi ko maigalaw ang kamay ko . Manhid parin ang katawan ko . Ano ba ang nangyare .

" m-miss a-ano ba ang nangyare saakin . Nasaan ba ako "? Mahinang tugon ko sakanya dahil hindi ko maibuka nang maayos ang bibig ko , masakit .

" maam , ilang katanungan lang po ang masasagot ko . At sana makipag cooperate po kayo sa mga itatanong ko " tila may kung anong kirot sa dibdib ko nang pumatak ang luha ko .

Pumikit ako at pilit na inalala ang nangyare .

Flashback .

Nasa sasakyan ako at may tumamang malalas na liwanag sa mata ko .

Dahil sa luha nag rumagasa mula sa aking mata hindi ko na nakita ang daan .

May kasalubong akong sasakyan .

Iniwas ko ang sasakyan ngunit hindi ko na ito nahabol .

Ang huling naalala ko nalang ay may isang babae na dumaan sa harapan nang sasakyan ko at nabundol ko siya .

End of flashback .

Kumirot ang ulo ko at hindi ko napigilan ang sakit , kaya naman napasigaw na ako .

"A-a'araaaay . A-ang ulo k-ko " halos manigas ako sa sobrang sakit .

Revenge of A beauty .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon