Chapter 1

115 5 5
                                    

"Hi, I'm Angela Lee. Just add me on Facebook and follow me on Instagram,thanks!"

It's the first day of school, I still hate it through the years, kahit na first year in BS Medical Technology na 'ko ayaw ko talaga, kahit nga yata mag-aral, pero no choice, kailangan eh! Kinabukasan ko ang nakasalalay dito. Pangarap ko din to kaya kakayanin.

1st Period

MATH!? Great! Just great! Ang boring pa nung prof! Ano na? Almost 1 year na ganito? Ba't kasi di ko man lang tinignan yung kinuhang kong schedule?

2nd Period

History. Medyo may interesado naman ako dito kaya, okay lang.

Break time na rin namin, wala akong balak na kumain. Nakaka wala ng gana mga pagkain dito, wala bang Jollibee? Diba? Para masaya!

Pumunta na lamang ako doon sa likod ng campus, meron kasi doong mini garden. Puro mga mabulaklak na tanim ang nandoon hindi gulay, hindi naman kasi yun TLE garden. Kahit papano malawak ang lugar doon at 'di gaanong nasisinagan ng araw. At sa dulo no'n ay mayroon isang bench, dun ako laging tumatambay. Hindi kasi yun masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.

Noong papunta ako sa bench, napansin kong may nakaupo nang lalaki do'n, nakayuko ito, may hawak siyang sketch book at lapis, at ang weird, dahil puro pangalan ng mga tao ang nandodon, ang ibang pangalan ay naka-crossout. Lumapit ako sa kaniya, mukhang hindi niya yata ako napansin dahil sa busy siya sa kakatingin ng sketch book niya. Nasa harapan na niya ako, napansin ko siyang tumingin sa sapatos ko. Kakausapin ko na sana siya ngunit bigla siyang umalis. Ano ba naman yan! Hindi ko man lang nakita yung mukha niya and vice versa.

Who is he? Weird.

Hapon na at tapos na ang klase namin, hindi ko na inintindi yung mga pinagsasabi ng mga prof ko kanina dahil napapaisip parin ako dahil sa nangyari kaninang umaga. He's still a mystery to me, I wonder what's his name is. Ba't ba ko naiintriga sa kaniya?

"Angela,sabay na tayong umuwi". Dinig ko ang malumanay na tinig ng isang babae. Siya si Jade Valeria, kapitbahay ko pero di naman kami close pero sumama na lang ako sa kaniya, wala rin naman akong ibang masyadong  kaibigan o sadyang wala talaga ko'ng kaibigan. Natatakot kasi akong mangyari ulit ang nangyari sa'kin noon. May tatlo kasi akong bestfriends noong Grade 11 pa 'ko, lagi kaming magkakasama kahit na magkaiba kami ng section, akala niyo friendship goals? But no! A big No! Dumating kasi yung araw na ginawa nila akong multo, they pretended I'm not there with them, they pretended that I don't exist in their lives. Na parang lamang akong isang malakas na ihip ng hangin paarsa kanila.

"Sige,sabay na tayo" .Kailangan ko rin namang umuwi nang maaga, may mahalaga pa akong pupuntahan.

Habang naglalakad ay walang nagtangkang magsalita sa'min, ang awkward pero sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Mabait naman si Jade, pero kahit na ganoon ay ayaw ko talaga sa kaniya, alam mo yun? Yung kahit mabait na yung isang tao pero ayaw mo talaga.

Pagkadating ko sa bahay, nagbihis agad ako ng  pormal na damit, Death Anniversary kasi ngayon ng mga magulang ko. 4th year high school ako no'n, malapit na nag katapusan ng school year. Nung papauwi ako galing school, nakita ko silang nakahilata sa kalye, punong- puno ng dugo, may nakita akong lalaking nakaitim na nakatayo sa tabi nila .Hindi ko na masyadong maalala lahat dahil na trauma ako. Napapaginipan ko yung pangyayaring iyon paminsan- minsan, pero hindi ko parin maalala ang lahat na nangyari. Ako lang mag- isa ang naiwan, wala naman kasi akong kapatid. Kaya simula no'n, yung tita ko na ang nagpapaaral sa 'kin. I chose to stay in our house, pumayag naman si tita, susustentuhan niya lang daw lahat ng kailangan ko.

Pagdating ko ng sementeryo sinindihan ko agad ng kandila ang puntod nila. May kasama rin itong bulaklak at karamihan nito ay mga rosas, paborito kasi 'to ni mama. Nanatili ako ng mga isang oras, hindi rin naman ako puwedeng magpa-gabi dahil may pasok pa ako bukas. Para sa kanila naman 'tong pag-aaral ko pero tinatamad talaga ako eh!

"Bye Ma,Pa I love you!"

A tear tries to escape from my eye, pero pinigilan ko ito, because I promised myself na hindi ako iiyak kapag bibisitahin ko sila. Kailangan kong magpakatatag, dahil ako na lang ang mag-isa sa buhay.

Pagkauwi ko ay nagbihis agad ako sa komportable kong damit, pagkatapos rin no'n natulog na 'ko. Hoping that everything will be okay.

It's seven in the morning, wala pa yung prof namin, tahimik  yung mga kaklase ko, karamihan sa kanila ay nagbabasa ng libro. Nakatutok lang ako sa cellphone ko, I always keep myself away from them, mas gusto ko pa maging mapag-isa, pero syempre hindi ko yun pinapakita para hindi ako tawaging "Weirdo" o "Loner".Kapag nagkakataon na kailangan kong makisama ay sumasama na lang ako o di naman kaya ay may nagtatanong sakin, kinakausap ko rin naman in a friendly way. Oh diba,pang best actress! Ano kaya magiging title ng unang movie ko? "The Friendly Loner", meron bang ganun?

It's break time already, gusto kong pumunta sa tinatambayan ko pero baka makita ko ulit yung misteryosong lalaki, wala rin naman akong choice, pupunta pa rin naman ako, tambayan ko yun eh!

Pagdating ko dun, sinilip ko muna kung nandun siya, tama nga ang hinala ko. Nandun siya ngayon nakaupo, tulad no'ng kahapon daladala niya nanaman yung sketch book. Pinagmasdan ko muna siya,lumapit ako sa kaniya pero hindi niya 'ko napansin, tinitigan ko lang siya. Ang gwapo niya pala sa malapitan! Maputi,matangkad,broad shoulders,medyo singkit! Baka magkakagusto yata ako dito! Ay char, anlande.

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako sa kaniya! Bigla siyang tumingin sa'kin at nagtataka. Tinakpan ko agad yung mukha ko, grabe sobrang nakakahiya! Agad naman siyang umalis pero ang mas na ikinagulat ko ay bigla siyang natakot nangg makita ako, parang gulat na gulat na nakakita ng multo!

"Gano'on na ba talaga ako ka panget?!?"

His P.O.V

"She shouldn't know me, hindi puwede, hindi dapat!"

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now