Chapter 10

20 1 0
                                    

                        Mathew's POV

"Bakit ganiyan ka na lang kaagresibo ha, Lucifer!? Kaano - ano mo ba si Angela para magalit ka nang ganiyan?"

Bigla siyang natinag at ngayo'y nakatoon ang buong atensyon sa'kin. Hindi siya sumagot sapagkat ay tinignan niya lang ako. Muli niyang ibinaling at tingin Angela. May kung anong kalungkutan ang nakita ko sa mga mata niya.

"It's just...I--"

Hindi niya tinapos ang sasabihin at nagmadaling lumbas ng clinic. Hindi niya man lang nagawang sagutin ang tanong ko.

"Ahh, Jade. Baka gusto mo muna magpahangin, mukha yatang nabigla ka sa mga nangyari. Ako na ang magbabantay kay Angela."

"S-sigurado ka?"

Tinanguan ko siya at nginitian. Sinunod niya naman ako. Muli niyang sinulyapan niya si Angela bago tuluyang umalis ng clinic.

Nilapitan ko si Angela at umupo sa tabi niya. Hinawi ko yung buhok na nakatakip sa mukha niya. Napansing kong namumutla at pinagpapawisan na siya ngayon.

"Uhh, nurse! May bimpo po ba kayo diyan?"

Naghanap yung nurse sa bawat kabinet dito sa clinic at tsaka ibinigay sa'kin ang isang puting bimpo.

"Thanks."

Marahan kong pinunasan yung pawis ni Angela. Baka magkasakit siya kung matutuyuan ng pawis.
Habang pinupunasan ay pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.

'Maganda ka pala, bat di ko yun napansin.'

Hindi ko namalayan na nalatigil ako sa pagpupunas at ngayo'y nakatitig nang malalim kay Angela.

'Ano ka ba naman Mathy, kung ano-anong pinagsasabi mo.'

Tumayo ako at isinauli  yung towel sa nurse.
Bumalik ako sa tabi ni Angela.
Inihiga ko yung ulo ko sa tabi ng kamay niya.

Unti-unting pumipikit ang mga mata ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


                  Angela's POV

Nandito ako sa classroom ko noong Grade 10 ako. Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta dito.
Maayos namang ang lahat,napakaaliwalas. Parang bumalik ako sa panahong wala akong masyadong pinoproblema.

Parang isa lang siyang normal na araw, nasa klase kami ngayon at nagtuturo yung guro sa harapan, may iba naman sa mga kaklase ko ang nag-uusap, ang iba naman ay nagsusulat habang nakikinig. Dito ako nakaupo sa dulo na malapit sa bintana, pinagmamasdan ko ang mga nakikita ko ngayon, ang gaan sa pakiramdam habang umiihip ang malamig na hangin at inililipad nito ang berdeng kurtina.

Biglang nagring yung bell, break time na pero hindi ako umalis sa kinaroroonan ko.

"Angela, hali ka na."

May isang lalaki ang lumapit sa'kin, hindi ko maaninag yung mukha niya pero kitang-kita ko kung gaano siya kasaya habang niyaya akong lumabas.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sinamahan ko siya. Naglalakad kami ngayon sa hallway ng building, hawak-hawak niya ngayon yung kamay ko pero hindi man lang ako tumanggi o naiibahan sa nangyayari. Pakiramdam ko'y ligtas ako sa mga kamay niya.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now