Chapter 9

27 1 0
                                    

'Its...

"Lucifer?"

"Oh, magkakilala naman pala kayo. Tsk"

Singit naman nung tagabantay.
Tinignan  lang ako ni Lucifer nang walang emosyon. Parang wala lang sa kaniya na malaman na ako pala yung kasama niya.

"Let's go, magsisimula na yung event."

"Ha?"  Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Hindi na niya ko sinagot at nagsimula na siyang maglakad papalabas ng booth.
Sinundan ko  siya kasi nga niyaya niya ko. Kung sabagay, ayaw ko namang mahuli.

"Sandali lang!"

Pagkarating namin dun ay marami taong nakaupo sa mga bleachers.  Mukhang nagsisimula na rin kanina pa yung sinasabi nilang main event.

"Ano bang meron sa main event na sinasabi nila?"

"Talent portion. It was the Law students last year. It'll be us Medical students this year. Different representatives from 1st to 4th year students."
Anlamig niya naman yatang magsalita, abot hanggang buto.

"Aaah. Sino naman yung representative nating mga freshmen?"

"Si Josh Salvez together with his crew."

Si Josh yung isa sa mga naging kaklase namin ni Lucifer sa ibang subjects. Napagkaalaman ko ring magaling siyang sumayaw. Nakita ko na siyang magperform noon, napahanga rin ako nun sa galing niya.

"Puntahan kaya muna natin sila?"

Pag-aaya ko sa kaniya pero di niya na naman ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Wala naman din akong ibang magawa kundi ang sundan siya.

Sa sandaling paglalakad namin ay narating namin ang backstage. Natatanaw ko na rin Josh pero, mukha yatang nagkakaproblema dun. Marami sa mga kasamahan niya ang nakapalibot sa kaniya.
Pinuntahan ni Lucifer si Josh, nagaalala rin ako  kaya sumunod na ako sa kaniya.

Pagdating namin ay nakita naming namimilipit sa sakit si Joshua habang hawak- hawak yung kaliwan niyang paa.

"AARGH!! FUUUCK!"
Sigaw ni Josh dahil sa sobrang sakit.

"Anong nangyari dito?"
Kalmadong tanong ni Lucifer.

"Nag- eensayo kasi kami para sa event, kaso lang--"

"Pano na to? Sino magpeperform para sa atin ngayon?"
Putol ni Lucifer sa kasamahan ni Josh na may bahid ng pagbabanta ang boses ngunit wala man lang emosyong lumalabas sa pagmumukha niya.

Nakakatakot talaga siya kahit na wala naman siyang masyadong ginagawa.

"Dalhin niyo na muna yan sa clinic."
Utos niya sa mga kasamahan nito.

Agad nilang binitbit si Joshua papunta sa clinic. Pero hindi parin namin alam kung sino ang papalit kina Josh.

'Pano na to?'

"W-wala kaming pamalit sa kaniya."
Singit nung isa pa nilang kasama.

"Diba Lucifer marunong kang kumanta?"
Tanong naman nito sa kaniya.

Mas nagulat ako sa sinabi nung lalaki. Halos mailuwa ko yung mata ko at malaglag yung panga ko.

'Marunong palang kumanta tong gunggong na to?'

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now