Chapter 19

17 1 0
                                    

Angela's POV

"Angela. Angela gising."

Dinig kong may tumatawag sa'kin, dahan - dahan kong minulat yung mata ko. Nagmadali akong bumangon at inilibot ang mata sa paligid.
Isang malawak na lupa na punong- puno ng damo at mabulaklak na tanim, nasa ibaba ako ngayon ng isang napakalaking puno na nagsisilbing silong mula sa mainit na tirik ng araw.

"N-Nathan? A-Anong ginagawa ko dito?"

"Grabe ka naman! Nakatulog ka lang nang sandali tapos nakalimutan mo na kung bakit tayo nandito." pagtatampo niya habang naka-nguso

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Nagiging makalimutin ka na nitong mga araw ah, may problema ba?" nagtataka at nag- aalalang tanong niya.

"Ha? Wala ah. Binibiro lang kita"

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Nag- aalala tuloy ako."

Marahan na lang akong natawa. Kapag magpupumilit pa ako ay baka mas lalo lang siyang magtataka sa'kin.

"Baka gutom lang 'yan. Heto, may burger. Ginising kita para kumain."

Masayang kong tinanggap ito at saka nagpasalamat. Nagsimula na kaming kumain habang pinagmamasdan ang paligid. Kahit papano ay payapa na ang nararamdaman ko ngayon.

"Ba't di mo pa yan nauubos? Wala ka bang gana?" tanong ni Nathan nang mapansing nakaka- isang kagat palang ako sa buger ko.

"Ewan, di ko alam." walang ganang tugon ko sa kaniya.

"May problema ka ba?"

"May iniisip lang."

Iniharap niya ang katawan sa'kin at saka kinuha yung burger mula sa kamay ko at nilapag ito sa tabi. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at saka niya ko iniharap sa kaniyan.

"Alam mo Angela. Kapag mag bumabagabag sayo magsabi ka lang, nandito naman ako. Kung ayaw mo naman magsalita, handa naman kitang samahan hanggang sa umayos ang lahat."

Bahagya naman akong natuwa sa mga salitang binitawan ni Nathan. Nagpapasalamat naman ako nang sobra nang marinig iyon.

Dahan- dahan ko pinupulupot ang mga daliri ko sa kamay niya at saka sinandal ang ulo sa balikat niya at ngayo'y hinihintay ang paglubog ng araw.

Kasabay ng paglubog nito ang unti- unting pagdausdos ng aking mga luha. Hindi ko na mapigilang umiyak sa sobrang sakit na tila bang gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng nangyari.

"Sige lang, iiyak mo lang yan." sabi ni Nathan habang hinahawi ang buhok ko. "Gusto mo kantahan na lang kita?"

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now