Chapter 11

36 2 0
                                    

Nandito na ko ngayon sa loob ng canteen. Nilapitan ko ang isa sa mga babaeng t tindera dito para bumili ng tubig para kay Angela.

"Pabili nga po ng isang mineral water."

Sabi ko sa kaniya sabay bigay nung bayad.

Hindi parin mawala sa isip ko yung mukha ni Angela kanina na para bang nakatakas mula sa isang karumaldumal na pangyayari.

'Ano ba kasi yung napaginipan niya?'
Tanong ko da sarili na tila ba hindi mapakali.

"Huy! Ano ba! Kanina pa kita tinatawag!"

Nagulat na lang ako nang bigla akong sinigawan ng tindera. Kanina niya pa pala inaabot yung tubig sa'kin pero di ko napapansin. Halata namang nagalit ito.

"Pasensya na po."

Pagpapaumanhin ko sa tindera at tsaka kinuha yung tubig.
Lumabas na ko ng canteen para bumalik sa clinic ngunit may humarang sa'kin dahilan para umakyat ang dugo ko.

'Not again.'

"Heeey! Mathy my friend."

Sabi niya sa'kin habang may nakakapanlokong ngiti sa mukha niya.

"Ano na naman ba to Cedrik?"
Tanong ko sa kaniya na may halong inis.

"Si Angela, do you know where she is?"
Tanong niya sabay akbay sa balikat ko.

"Diba sinabihan na kita na huwag kang lumapit sa kaniya?!"
Galit kong tanong ko sa kaniya sabay tapik ng braso niya.

"Too late, I introduced myself to her already."
Sagot niya habang nakapamulsa at mukhang tuwang- tuwa.

"Ano ba kasing kailangan mo sa kaniya?!"

"I like her, okay? She's actually kinda pretty."

"Hell no."

Di ko hinintay yung sagot niya at saka umalis

'Sa lahat ng babae na nandidito sa school bakit si Angela pa? Alam kong sasaktan niya lang si Angela, I won't let him do that.'

Pagpasok ko ng clinic ay nakita ko si Jade nasa tabi ni Angela.
Nakaupo ngayon si Angela at mukhang kumalma at umayos na yung lagay niya ngayon, mabuti naman kung ganon.

"Angela, uminom ka muna."
Sabi ko sabay alok nung tubig na binili ko para sa kaniya.

"S-salamat."

Umupo naman ako sa tabi ni Jade. Gusto ko kasing makausap si Angela tungkol dun sa nangyari kanina.

"Ahh, Angela p-pwede mo bang sabihin kung anong n-nangyari sayo kanina?"

Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko, si Jade. Tinignan niya ko na parang bang sinasabing mas mabuting hindi na ko magtanong.
Nilingon naman namin si Angela nang ito'y nagsalita.

"Okay lang Jade."

Sabi ni Angela kay Jade at nginitian niya naman ito.

"N-napaginipan ko kasi, yung p-pumatay sa magulang k-ko."

"P-pasensya na, kung natanong ko."
Pagpapahingi ko ng tawad dahil sa tingin ko'y mas pinabigat ko pa ang loob niya.

"Hindi, ayos lang. Lagi ko naman yung napapaginipan pero, ngayon ko lang nakita na... na para bang ako na yung isusunod nung lalaki."

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now