Chapter 18

35 1 0
                                    

Angela's POV

"M-Mathy."

Nakita ko si Mathy na nanalisik ang mata sa galit. Nakaramdam ako ng takot kaya di ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Lumapit siya sa'kin nang hindi inaalis ang tingin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila papalabas ng garden.

Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, halos nakabaon na yung mga kuko niya dahilan para masaktan ako rito.

"M-Mathy, m-masakit. Bitawan m-mo ko."

Nagmakaawa ako sa kaniya pero hindi niya ko pinakinggan at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Dinala niya ko sa labas ng bahay kung saan wala masyadong tao. Nang huminto siya paglalakad ay marahas niyan ibinaba yung braso ko at humarap sa'kin, hindi parin nawawala ang galit sa mukha niya.

'M-may nagawa b-ba ko?'

Napahawak naman ako sa brasong kong hinawakan ni Mathy kanina dahil may naramdaman akong basang bagay na dumaloy dito. Itinago ko na lang yung braso ko sa likod at nagsimulang magtanong kay Mathy.

"Ano bang problema mo? May ginagawa ba ko sayo?"

"I told you already not to get involved with Cedrik pero di ka nakinig."

Bakas sa boses niya na pinipigilan niyang sigawan ako dahil sa galit. Mas lalo akong natakot dahil konting- konti na lang ay parang sasabog na na parang bulkan si Mathy.

"Yun lang? Bakit ganiyan ka na lang magalit?"

"HINDI KA KASI NAKIKINIG!"

Nagulat naman ako nang bigla niya kong sinigawan. Napaatras ako nang bahagya, hindi ko kilala kung sino 'tong kasama ko. Habang nakatingin sa kaniya ay napansin kong unti-unting umamo yung mukha niya. Nang papalapit na siya sa'kin ay dun ko lang napansin ang umaagos na luha mula sa mga mata ko. Akma sanang pupunasan ni Mathy yung luha ko pero lumayo lang ako sa kaniya. Hindi parin matigil sa pagbuhos ang mga luha ko kaya tinakpan ko yung mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

Mathew's POV


Umiiyak si Angela sa harapan ko at ngayo'y nakaramdam ako ng kirot sa'king dibdib. Mukhanh sumobra yata ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

'Anong ginawa ko?'

"A-angela I'm s-sorry. D-di ko sinasadya." sinubukan ko siyang lapitan ngunit mas lalo lang siyang lumayo.

"Ano ba kasing problema mo?! Ba't ba galit na galit ka sa'kin?! Ano bang ginagawa ko?! Ha?!"

Nanghihina akong nakikita siya nang ganito. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko siyang saktan.

"A-Angela..." pagmamakaawa ko.

"You know what? Mas mabuti na sigurong umuwi na ko."

Umalis na siya sa harapan ko habang patuloy parin sa pag-iiyak. Parang dinudurog ang puso ko nang makita ko siyang nagkakaganiyan dahil sa'kin.

Sinundan ko siya papasok ng bahay. Nakita ko siyang pinupunasan yung mata niya habang naglalakad pabalik sa loob ng garden. Tumakbo ako papalapit sa kaniya pero napahinto naman ako ng maunahan ako ni Cedrik.
Ang sakit palang makita na nandiyan yung iba sa tabi niya pero ako...wala ako para sa kaniya.

Angela's POV

Gusto ko nang umalis dito. Naglalakad ako pabalik sa garden para kunin yung naiwan kong bag pero may nabangga ako habang nagmamadaling naglalakad.

"A-Angela?"

Tinignan ko kung sino yun.
Nandun na naman yung nag-aalala niyang mukha.
Nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin.

"C-Cedrik."

Niyakap ko siya pabalik at nagpatuloy sa pag-iiyak. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon pero wala na kong pakialam dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Tahan na, party tong pinuntahan mo hindi lamay."

Natawa ako nang mahina dahil sa biro niya. Nagpapasalamat ako dahil kahit papano may taong umaalalay sa'kin ngayon pero hindi ko lang inaasahan na si Cedrik yun.

"Halika ka na, magsisimula na yung party."

Dinala ako ni Cedrik sa isang mesa na may dalawa pang bakanteng upuan pinaupo niya dun ako sa isa at saka nagpaalam.

"San ka pupunta?"

"I'm have some business to take care of."


Cedrik's POV

Pinaupo ko muna si Angela bago pumunta kay Mathy. Kanina ko pa siya nakikitang nakatayo sa isang sulok habang tinitignan si Angela na para bang siya na ang pinakamalungkot na lalaki sa buong mundo, or should I say Girl? Tsk.

Nakatayo na ko sa gilid niya ngayon pero mukhang di niya parin ako napansin dahil na kay Angela yung atensiyon niya.

'Lakas ng tama mo aah.'

"You happy now? Pinaiyak mo yung babae."

Ibinaling niya ang atensiyon sa'kin, nakakunot na naman yung noo niya.

'Tsk, am I a threat to you Mathy?'

"Nagsalita yung manloloko."

"What? You're still not over with it? It was a year ago Mathy."

Nakita kong kanina pa siya nagtimtimpi sa galit, nanginginig yung mga kamao niya kanina pa.

"Bakit? Hindi mo parin ba matanggap na ako yung minahal niya at hindi ikaw?"

"GAGO KA!"

Agad niya kong binigyan ng malakas na suntok sa panga dahilan para matumba ako. Pinilit kong bumangon pero sinuntok niya ko ulit at ngayon ay nakahawak na siya sa kwelyo ng damit habang patuloy parin niyang tinatapon ang kamao niya sa mukha ko. Naririnig ko rin ang mga pagmamakaawa ng mga nakakatanda na tigilan na namin to. May dalawang lalaki na rin ang pumipilit na pakalmahin si Mathy pero mas lalo lang siyang nagpupumiglas habang nakatingin sa'kin na para bang gusto niya kong patayin.

"INAGAW MO SIYA SAKIN! HAYOP KA!"

Hindi ako nagsalita ngunit pinagtawanan ko lang siya na mas lalo niyang ikinagalit.

Angela's POV

Narinig kong nagkakagulo yung mga nakakatanda kaya tumayo ako para makita kung anong nangyayari. Lumapit ako sa kanila at dun ko lang nakita si Mathy na nakaupo kay Cedrik habang patuloy itong pinagsusuntok. Nataranta naman ako sa nakita kaya agad akong pumunta kay Mathy para awatin siya.

"Mathy tama na!" pagpipigil ko habang pinilipit ilayo si Mathy kay Cedrik.

"Hayop ka! Kahit kailan di kita mapapatawad!"

"Mathy tumigil ka na!"

Pilit ko siyang hinila papalayo kay Cedrik pero patuloy lang siya sa pagpupumiglas. Mas hinigpitan ko ang pagkahawak sa kaniya at mas nilakasan niya naman ang paghila ng kamay niya dahilan para tumilapon ako.

"Angela!"

Dinig kong sigaw ni Cedrik. Lumalabo yung paningin ko at naramdan ko ang sakit ng ulo ko sa may bandang kaliwa.
Nung unti-unting nagdidilim ang paningin ko ay paulit ulit kong naririnig na binabanggit ni Mathy ang pangalan ko habang nagkakandarapa siyang lumapit sa'kin.
Nang makaramdam ako ng dalawang kamay na humawak sa'king magkabilang balikat ay dumilim na ang lahat at wala na kong alam sa nangyari.






My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now