Chapter 20

35 0 0
                                    

Mathew's POV

"Angela, I'm sorry"

Wala na kong ibang maisip gawin kung 'di ang humingi ng tawad sa nangyari kay Angela. Naisipan ko munang bumaba para uminom ng tubig at magpahangin.

Kung iisipin mo, matagal na nga simula nung maghiwalay kami. Pero kahit ilang taon pa ang lumipas ay hinding - hindi ko yun makakalimutan. Sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari noon ay di ko mapigilang magalit. Lalong - lalo na na alam kong si Cedrik ang may kagagawan ng lahat. Nasasaktan din akong isipin kung bakit ako nagkaganito dahil lang dun. Ang daming nagbago sakin pagtapos nun, pananalita, galaw, kilos, pati na rin ang pagkatao ko. Tila ba tuluyan na kong nag- iba at nawalan ako ng direksyon sa sarili ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay muli na kong bumalik sa kwarto ni Angela.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang babaeng naliligo sa pawis, nagwawala at nagsasalita habang nakapikit ang dalawang mata.
Tila ba'y na blanko ang isipan ko ng ilang segundo at hindi na alam kung anong gagawin. Nagkarandarapa akong tumakbo papunta kay Angela dahilan para ako'y matumba. Nang makarating sa tabi niya ay saka hinawakan ang magkabila niyang balikat at sabay marahas na iniyugyog.

"Angela! Angela please! Angela gumising ka!" pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Nath--. S-san?-- Na--"
Patuloy pa rin sa pagsasalita si Angela ngunit di ko mawari kung anong gusto niyang sabihin.

Kahit anong pilit ko sa kaniya ay di parin siya nagigising kaya mas lalo kong nilakasan.

"Angela gising!!!"

Tila ba ako'y nabuhayan at nawalan ng tinik sa puso nang makitang dumilat ang dalawang mata ni Angela na halatang punong- puno ng lungkot at takot. Nang magtama ang aming mga mata ay saka namuo ang luha sa mga mata niya na matagal ng gustong makawala. Nagpatuloy sa pag- agos ang mga luha ni Angela na sinabayan pa ng hagulgol. Ako nama'y walang alinlangang niyakap siya at siya rin naman ay di nag- alinlanganang yumakap pabalik.

Lalong lumakas ang hagulgol niya, sabay nito ang pahigpit na pahigpit na pagkakayakap sa'kin. Mukhang binangungot na naman siya, ngunit wala na sa isip kong magtanong dahil mukhang alam ko na ang laman ng panaginip niya.

Nang medyo tumahan na siya ay saka siya kumawala mula sa pagkakayakap sa'kin. Nang bumalik na katinuan ang buo niyang sistema ay tila parang nag iba ang ihip ng hangin. Ni ayaw man lang niyang kong tignan, pagkatapos niyang umiyak ay hindi man lang siya kumibo sa'kin at tila ba'y nagpapanggap na para bang wala ako dito.

''Angela..." tawag ko sa kaniya pero di parin siya tumitingin sa'kin.

"Angela I'm sorry."

"Anong ginagawa mo dito?"
tanong niya sa'kin ngunit di parin siya tumitingin.

"H-hinatid ka namin ni Tito dito pagkatapos ka naming dalhin sa ospital. Nagpaiwan ako k-kasi balak sanang kitang bantayan."

"Ayos na ko, pwede ka nang umuwi." akmang hihiga siya ulit sa kama ngunit pinigilan ko siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now