Chapter 8

27 2 1
                                    

                   Angela's POV

"3..."

"2..."

"1!!"

Nagsihulog ang mga confetti na galing sa taas ng stage. Ang ganda, ibat-ibang kulay ng confetti na gawa sa papel at foil ang bumabagsak.

"Okay everyone! You can now enjoy the booths and games that we prepared for you. Comeback here at 1pm for the main event."

'Main event? Ano yung main event nila?'

Nagulat ako nang may biglang humila ng kamay ko dahilan para muntikan na konv matumba.

"Angela! Halika ka na! Tignan natin yung mga booths!"

Si Jade lang pala, akala ko kung sino. Mukhang excited yata siya para sa araw na to.

"Okay!''

Nagsimula na kaming maglibot- libot sa campus. Tinitignan muna namin kung ano-anong klaseng booths ang inihanda nila. Karaniwan sa nakita kong mga booths ay para sa  Valentine's Day and Halloween, may pa Jail Booth din sila.

'Kaya naman pala nakadamit sila na pang pulis, effort.'

"Kyaaah! May Fortune Teller! Hali ka, puntahan natin dali!"

Biglang sigaw ni Jade sa'kin habang tumatalon- talon na parang kuneho. Hinila niya ko sa isang tent na nababalutan ng iba't ibang kulay ng tela at mga kurtinang may mala dyamanteng disenyo.
Pumasok kami sa loob ng booth.
Mayroong isang crystal ball sa gitna ng bilog na mesa na mistulang umiilaw.

Maya-maya'y may isang babeng may edad na ang pumasok sa loob ng booth, nakabalot ang kaniyang mukha sa manipis na tela.

'Saang department kaya to siya. Professor din ba to?'

"Magsiupo na kayo."

Sinunod namin ni Jade yung babae at umupo sa upuang nasa harapan niya

" Hawakan niyo ang kamay ko at ganun din kayo."

Ngayon nama'y magkahawak na kami ni Jade, yung kabilang dulo naman ng kamay namin ay hinawakan  rin nung babae.
Nagsimula na siyang magsalita sa kung ano mang lenggwahe na hindi ko maintindihan.
Nagsimula na ring mag- iba ng kulay ang bolang kristal. Mukha namang natutuwa si Jade pero nawiwirduhan na ko sa mga nangyayari.

Tumigil sa pag-chant yung babae at marahang tumingin kay Jade at sinabing...

"Magiging maganda ang iyong kinabukasan iha, marami kang makukuhang gantimpala sa iyong pag-aaral."

Sabi niya habang nakangiti kay Jade. Mukhang tuwang- tuwa naman si Jade sa magiging kapalaran niya. Ibinaling  naman ng manghuhula ang atensyon sa'kin.
Naibahan ako sa pagbungad niya sakin dahil punong- puno ng pag- aalala ang kaniyang mukha.

"Iha, mag-iingat ka dahil lubhang masama ang nakalaang kinabukasan para sa iyo. Masasaktan ka ng lubusan sa isang sikreto na iyong malalaman. Ito'y makakasama sayo sa pang pisikal at emotinal."

Nagulat ako sa sinabi nung Ale. Kinabahan ako nang husto dahil sino naman ang may tinatagong sikreto sa'kin, wala naman akong mga kaibigan at nag-iisa lang ako sa buhay. Hindi ko siya maintindihan pero kahit ganon natatakot parin ako sa kung anong sinasabi niya.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now