Chapter 15

21 0 0
                                    

"I miss you."

Binitawan ko ang mga salitang iyon habang mahigpit na nakayakap kay Nathan.

"Ano ka ba naman, sandali lang tayong hindi nagkita."

Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakangiti ito ng matamis sa'kin.

"Halika, may bibilhin ako para sayo."

Kumawala naman ako sa pagkakayakap sa kaniya sabay nun ang paghawak niya ng mahigpit sa kamay ko.

Hinila niya ako papunta sa isang jewelry store, hindi parin mawala- wala yung ngiti sa mukha niya.

Pagpasok namin ay bigla siyang napahinto, nagtaka naman ako at tinignan siya ng nakakunot ang nuo.

"Uhh, dito ka na lang muna sa labas."

"Ha? Bakit?"

"Para surprise."

Sabi niya na may mapang-asar na ngiti sa mukha. Hindi na ko nagsalita at naghintay na lang sa labas. Habang naghihintay ay nilibot ko na lang yung tingin ko sa paligid ng mall. Nagulat na lang ako nang tumalon si Nathan sa harap ko. Bahagya naman akong napahawak sa dibdib ko, pakiramdam ko tuloy aatakihin ako sa puso.

"Huwag ka ngang manggulat!"

Galit na tugon ko sa kaniya pero bahagya naman siyang natawa sa naging reaksyon ko.

"Tumalikod ka muna."

Nang tumalikod ako ay hinawi niya ang buhok ko sa likod at saka isinuot sa akin ang isang kwintas. Ang kulay nito ay gold at may pendant ng araw.

Pagkaharap ko sa kaniya ay pinagmasdan niya ko ng mabuti at saka ngumiti ulit ng matamis.

"Bagay nga sayo."

Hindi naman ako nakapagsalita kaagad dahil bigla nakuryente ang katawan ko ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Habang nakatitig sa kaniya ay dun ko lang napansin ang isang silver na kwintas na may pendant ng buwan.

 Habang nakatitig sa kaniya ay dun ko lang napansin ang isang silver na kwintas na may pendant ng buwan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"P-para sa'n tong kwintas?"

"May ibig sabihin ang kwintas na to na suot- suot natin. Balang araw malalaman mo rin kung bakit araw at buwan ang mga kwintas na to."

Nang ako'y nakatitig sa mga mata niya ay may narinig kaming putok ng baril, batid kong galing ito sa harapan ko. Lumakad ako papalayo kay Nathan para makita kung sino yun pero laking  gulat ko ng makita yung lalaking nakaitim. Nakaramdam agad ako ng pangamba't takot makita kong hinuhugot niya ang isang baril mula sa gilid niya. Naglakad ito papalapit sa'kin at dahan- dahan niya itinutok ang baril sa'kin. Humahakbang ako ng patalikod para makalayo sa kaniya, nang nilingon ko yung kinaroroonan ni Nathan kanina ay dun ko lang napansin na wala na siya dun, kasabay nun ang patuloy na pagbuhos ng mga luha ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nawala na naman ang lalaking kasama ko. Ibinaling ko ulit ang tingin sa lalaking nakaitim at laking gulat ko nang maramdaman ang dulo ng baril sa noo ko, at di siya nagdalawang isip na kalabitin ito.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now