Chapter 13

25 0 0
                                    

Angela's POV

Nagising ako nang maaga ngayong araw dahil kailangan ko pang maglinis ng bahay kasi Sabado ngayon at mamimili pa kami ni Mathy ng regalo para sa Lola niya mamaya.

Nagwalis sa bawat sulok ng bahay at nagpunas ng mga kabinet. Tinupi ko na rin yung mga damit ko kasi parang dinaanan ng bagyo yung kabinet.
Naghuhugas na ko ngayon ng pinggan at katatapos ko lang kumain. Habang naghuhugas ay biglang nagvibrate yung cellphone ko. Pinunasan ko muna yung basa kong kamay bago tignan kung sino yun. May nag text sa'kin, unknown number, paniguradong si Mathy to.

"Hi Angela beh, si Mathy to. Susunduin kita diyan mamayang 11:30. Babush."

Hindi na ko nagreply sa text niya kasi wala naman akong load. 11 o'clock na at kailangan ko ng maghanda dahil baka maabutan pa ko ni Mathy na hindi pa naliligo. Ambantot naman masyado kung iisipin.

Pagkatapos kong maghugas ay pumasok na ko ng banyo at naligo. Namimili ako ngayon ng damit na susuotin. Kinuha ko yung puting long sleeves na polo at isang floral skirt na abot tuhod. Sinuot ko yung polo na parang off shoulder at naka tuck in sa skirt. Sinuot ko na rin yung pastel pink na rubber shoes ko. Tinalian ko yung buhok ko, high ponytail at saka nilagyan ng kakaunting palamuti.
Naglagay ako ng konting pulbo at liptint, sapat lang para maging Rosy yung lips ko.

Pagbaba ko ng hagdan ay may narinig akong katok sa pintuan. Naglakad ako ng mabilis para pagbuksan ito ng pinto, paniguradong si Mathy na yun.

Pagbukas ko ng pinto ay lumantad sa'kin ang isang napakagwapong nilalang. Naka white polo shirt siya na may mga maliliit na itim na disenyo at nakabukas ang dalawang butones, fitted din ito kaya mas lalong nakikita ang hubog ng kaniyang katawan, naka navy blue shorts siya ngayon na below the knee at naka white rubber shoes, nakaayos din ang buhok niya kaya mas nagmumukha siyang disente ngayon.

"Huy teh, ready ka na?"

Di ko napansin na kinakausap na niya pala ako. Hindi ko namalayan na kanina pa ko nakatitig sa kaniya na para bang manghang- mangha.

"H-ha? O-oo!"

Natawa na lang siya at nauna na sa paglalakad.

"Magdidyip lang tayo ha? Para makatipid tayo sa pamasahe." ani ng lalaking ngayo'y isang hakbang ang layo sa'kin.

"Okay. Mas mabuti nga 'yon."

Naglakad kami sa paradahan ng dyip, sakto naman pagdating namin dun ay may papaalis na na dyip at dalawa na lang raw ang kulang sabi nung konduktor.
Pero kahit kailan talaga di mo sila mapagkakatiwalaan, kapag sinabi nilang dalawa pa ang kasya, ang totoo ay isa na lang talaga yung kakasya.

Hindi na lang kami sumakay at naghintay na lang ng ibang dyip. Ayaw rin ko rin naman kasi sa masikip, para akong sinasakal.
Kinuha ko yung cellphone para kahit papano'y malibang ako habang naghihintay ng Dyip. Para namang lumabas ang kaluluwa sa gulat dahil sa bigla akon hinila ni Mathy, muntikan ko na ring mabitawan yung cellphone dahil sa baklang to.

"Let's go! May dyip na Beh!"

Dun kami umupo sa front seat, wala pa namang ni isang tao sa dyip nun.
Bumabyahe na yung dyip ngayon at wala naman masyadong traffic sa ngayon. Marami ngayong pasahero kasi nga Sabado, maraming gumagala kasi bakanteng oras nila. Huminto yung dyip na sinasakyan namin para magpasakay ng isa pang pasahero, pero wala ng bakante sa likod kaya pinaupo nung driver yung pasahero sa tabi ko. Mas lalo kaming nagkadikit ngayon ni Mathy, nakaramdam naman ako ng pagkahiya dahil dito. Napansin ko ring parang di na gumagalaw si Mathy sa inuupuan niya, masyado na yata siyang nasisikipan, may kalakihan din kasi yung katawan niya.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now