Chapter 14

24 0 0
                                    

Angela's POV

"Wow,you look beautiful."
ani ni Mathy habang nakatulala at manghang- mangha sa'kin.

"H-ha? Uuh..."
wala naman akong ibang masabi dahil sa hindi ko parin mapagtanto ang mga salitang binigkas ni Mathy.

"I m-mean. B-bongga mo Beh! Bagay sayo, you want?"

"H-huwag na lang, n-nakakahiya."
pagtatangi ko. Totoo naman kasi, masyadng nakakahiya.

"You sure? Sayang Beh, maganda siya sayo, promise."

"H-hindi na, huwag na."

"Okay, sayang naman. Hay, mauna kana sa labas, may ipapabalot lang ako."

"Yang kwintas?"
bigla kong tanong dahil sa nagtataka, naguguluhan at kinakabahan ako dahil sa baka bilhin niya talaga yung kwintas.

"H-ha? H-hindi."

"O-kay, alis na ko."

Lumabas ako ng store at sumandal sa labas. Hindi parin ako makapaniwala na sinabihan ako ni Mathy na maganda, sinabihan niya na ko noon na maganda nung unang beses kaming nagkita pero, iba yung ngayon, parang may iba sa kaniya kanina. Napahawak na lang ako sa dibdib ko, mabilis parin ang tibok nito, para yata akong sasabog kung di pa ko nakaalis dun.

'Okay Angela, kalma. Wala lang yun, pinuri ka lang niya, that's it.'

"Let's go?"

Napalundag naman ako ng bahagya nang may kumausap sa'kin. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

'Gosh!'

Tinignan ko yung mga bitbit ni Mathy, wala naman siyang ibang dala- dala kundi yung dalawang daster na binili niya.

"N-nasan na yung, pinapabalot m-mo?"

"Aah, yun? Nagdalawang isip kasi ako kung ipapabalot ko pa yun. Anyways, hali ka na uuwi na tayo, baka maabutan pa tayo ng traffic."

Naglalakad na kami palabas ng mall pero walang ni isa sa'min ang humamak na magsalita. Ang awkward ng sitwasyon, pero mas mabuti na to kaysa sa mas magkailangan pa kami habang nag- uusap.

Naghihintay kami ng dyip sa tabi ng mall, marami rin kaming kasama dito, malamang naghihintay rin sila ng masasakyan.

Habang naghihintay ng dyip ay nagpalinga- linga muna ako nang bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko, nahihirapan ako sa paghinga at lumalabo na rin yung paningin ko. Hindi ko mapaliwanang yung sakit at bahagya naman akong napahawak sa dibdib ko at di ko napansin ang pagdausdos ng luha ko, hanggang sa may nakita akong isang puting kotse na humaharot papunta sa direksyon namin. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot ng mapansin kong hindi parin bumabagal ang takbo nito, dinig na dinig mo ang papalakas na tunog ng tambutso habang ito ay papalapit. Nang makalagpas na ito sa'min ay bigla na lang bumagal ang oras. Habang sinusundan ko parin ng tingin ang sasakyan ay bahagyang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa isang poste ng ilaw at pinagmamasdan rin ang pagharurot nung sasakyan.

'L-Lucifer..?'

Ngayon naman ay nakatuon na ang paningin ko kay Lucifer. Mas lumala yung nararamdaman kong sakit sa dibdib ko ngayon, biglang sumakit ang ulo na para bang mabibiyak ito, pero hindi parin matangal ang paningin ko kay Lucifer.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now