Chapter 6

29 3 0
                                    

Mathew's P.O.V

I suddenly stopped walking.Napaisip rin ako sa tanong ni Angela. bakit nga ba? Kani-kanina lang para akong bulateng binuhusan ng asin nung makita ko si Mr.Right.

" Uhh,it's because, I-I uhm-- needed to! K-kasi nga d-diba? May sugat ka, alangan naman magiging gurlalu ako, diba?"

Shit!Bakit ako nauutal?!

"Hmm? Sabi ko na, type mo ko.

"Sabagay, mukha ka rin namang lalaki."

"Anong sabi mo?!

"Punta na nga tayo! Dami pang daldal eh!"

Nakarating na kami sa garden ngayon. Ibiniba ko si Angela sa isang bench dito sa garden na yari sa matibay na kahoy. Yung garden sa likod ng school ang napipili kong puntahan. It's more peaceful than the rest of the gardens in this school, malinis rin at wala masyadong tao.

"Bakit dito? Marami naman ibang parks or garden dito sa school ah?"

Nabigla naman ako sa sinabi ni Angela,para kasing ayaw niya rito pumunta.

"Bakit?Ayaw mo ba? Gusto mo dun sa magulay?"

"Hindi ah, nagtatanong lang."

"'Yun naman pala eh ,maarte ka lang talaga."

"Ang sungit mo naman! Papakain kita ng pechay ngayon!"

Natahimik kami nang sandali, saka palang napansin ni Angela yubg mali sa sinabi niya.

"P-pechay kasi ano, d-diba nag- uusap tayo tungkol sa g-gulay kanina?"

Tumango na lang ako bilang pagsang- ayon.

"Hali ka na. Ihahatid na kita sa klase mo."

Hinatid ko na sa room si Angela habang naka-piggy backride sa'kin. Ngayon ko lang napansin na magaan lang pala siya. Hindi naman siya nagmumukhang payat dahil sa uniform niya, masyado kasing malaki para sa kaniya.

Habang naglalakad sa hallway ay nadaanan namin si Mr.Right!Tinitignan ko siya sa mata at hinihintay na tumingin rin sa'kin pabalik pero, hindi niya man lang nakuhang lumingon sa'kin.

Masyadong hard to get si Papi.

"Huy bakla! Nilampasan mo na yung room ko! Sa'n mo ba 'ko balak dalhin? Ha?"

"Huh? Ano bang sinabi mo eh--?"

Natigilan ako sa pagsasalita nang na makita ko yung room number. Nalampasan ko nga talaga yunG room ni Angela.

Lutang na naman si bakla

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Angela.

"Wala, wala.

"Ows? Di nga? Sobrang lutang ka nga ngayon. Bakit? Kinikilig ka sa'kin?

"Heto na nga. Ibabalik ka kita sa room mo!"

Binalik ko na lang siya sa room niya. Kumatok muna ako ng pinto para ipaalam sa prof na nandito na si Angela. Nagtanong ito kung bakit late si Angela pero sinabi ko naman agad yung rason. Ibinaba ko siya sa tapat ng upuan  at nagtatangkang umalis pero agad niya namang hinawakan ang kamay ko, dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now