Chapter 16

26 0 0
                                    


"S-sorry."

Hindi ako makatingin ng deretcho sa mga mata ni Mathy, para akong nanlililiit dahil sa kahihiyan. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para di kami magkatinginan, nakakahiya talaga! Nang lumilingon- lingon ako ay narinig ko yung usapan ng dalawang babae sa harapan ko. More like sluts. Nakasuot sila ng napakaikling palda at damit na kung saan ay nakikita na yung kaluluwa nila. Kanina ko pa din sila napapansin na hinihimas nung isang babae yung katabi niyang lalaki.

'Kadiri.'

"Gwapo nung lalaki. Should I?"

Tanong nung isang babaeng haliparot sa kasama niya. Mukhang si Mathy yung tinutukoy niya, kanina niya pa kasi tinitignan ng malagkit.

"Go! Kaso nga lang may kasama siyang girl oh! Look."

Sabi nung isa niyang kasama sabay turo ng nguso sa'kin.

'Kung tahiin ko kaya yang nguso mo!'

"Yeah right! Madali lang yan, 'di naman kagandahan si girl, like us."

Tumawa naman sila na parang mga iniipit na daga sabay tingin sa'kin na para bang nandidiri.

'Huhugutin ko yang mga mata niyo! Sige, subukan niyo ko!'

"Babe, okay ka lang?"

Nagulat naman ako sa sinabi sa'kin ni Mathy, mukhang siya rin ay naririnig niya yung mga pinagsasabi nung dalawang babae. Dahil sa inis ay sinakyan ko na lang si Mathy.

"Yes babe. Ikaw? Nahihirapan ka na ba? Mabigat ba ko?"

Sabi ko kay Mathy na para bang ang sweet naming magjowa. Humarap ako sa kaniya sabay hawak sa magkabilang balikat.
Nung nagtama ang mga mata namin ay nawala na yung pagkailang namin sa isa't-isa.
Bahagya naman siyang ngumit ng matamis at sabay sabi.

"I'm okay babe, ang gaan- gaan mo kaya."

Kinurot niya naman yung pisngi ko na para bang nanggigigil siya dito. Nginitian ko rin pabalik si Mathy na para bang nag-eenjoy kami sa mga pinanggagawa namin.

Bigla naman akong lumingon sa dalawang babae, tinignan nila ko na parang bang gusto nila kong kainin. Tinaasan ko sila ng kilay at saka lumingon ulit kay Mathy.
Nang nagkatinginan uli kami ay pareho kaming dalawa na nagpipigil sa pagtawa. Kasi nga naman, ansarap tirisin nung dalawa.

"SA GILID LANG! SA GILID!"

Nagulat ako ng todong- todo nang sumigaw yung konduktor. Halos napasabay din ako sa pagsigaw nito. Bahagya ko na lang ibinaba yung ulo ko dahil halos lahat ng pasahero dito ay nakatingin na sa'kin. Narinig ko naman na mahinang tumatawa si Mathy, nainis ako sa kaniya kaya sinukuhan ko siya sa sikmura at napasigaw naman ito sa sakit.

'Karma is bitch.'

Tinignan niya ko ng masama pero lalo ko lang siyang inasar.

"Dito na tayo bababa."

Nang mapansin kong wala na yung ibang pasahero ay umalis na ko sa pagkakaupo kay Mathy at saka lumabas ng dyip.

Pagkalabas namin ng dyip ay nag-unat muna kami ng katawan, akalain mo nakakapagod palang umupo.

"Malapit na tayo, konting lakad na lang."

"Ha? Pero pagod na ko."

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now