Chapter 7

25 2 0
                                    

                   Angela's POV

Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
Parang biglang bumagal ang ikot ng mundo habang lumalapit siya sakin nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Patuloy naman sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.

'Kalma self, kalma. Bakla yan, huwag kang ano.'

"Huy! Beh!''

"H-ha..?"

"Dai, anina pa kita tinatawagNakatulala ka lang.Okay ka lang te?"

"H-ha ? O-oo!"

"Anong kailangan mo? Masakit ba yung sugat mo?"

Nandiyan na naman siya, nagbabagong anyo na naman. Masisiraan talaga ko ng ulo nito.

" Hindi na, kaya ko ng maglakad.''

"So? Anong pinunta mo dito?"

"Di kasi kita mahanap kanina, nag-aalala ako kaya pumunta ako dito. Kumain ka na ba?"

"Actually, hindi pa. Nagugutom na nga ako beeeh."

"Pano ba yan, kumain na ko. Sasamahan na lang kita. May konting oras pa naman."

"Libre mo?"

" Libr--?"

Hindi ko natapos yung sasabihin ko  dahil agad niyang hinila yung kamay ko.

'Ano ba naman yaaaan.'

Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. Wala naman masyadong prof ang pupunta ngayong araw dahil may event na mangyayari bukas kaya ayos lang na late akong babalik sa klase. May mga pumunta naman kanina pero panandalian lang kasi nagmamadali.

Kanina pa naka balot ang kamay ni Mathy sa braso ko. Para bang linta na 'di na ko kayang pakawalan

Ang bango niya grabe. Kanina pa ko nadidistract sa amoy niya, masyadong amoy lalaki para sa isang baklang katulad niya. Tinitignan ko muli siya habang naglalakad kami. Hindi mo aakalaing bakla siya dahil sa kagwapuhan at katipunuan niya.

"We're here."

Dinig kong sabi niya pero hindi ko man lang siya pinansin.
Ibinaba niya yung tingin niya sa'kin at muli na naman kaming nagkatinginan.
Nang maramdaman ko ang unti- unting pag-init ng pisngi ko ay agad kong inalis ang mga tingin sa kaniya.
Nang inilibot ko ang aking paningin ay dun ko palang napansin na nandito na pala kami. Agad kong tinaggal yung braso ko mula sa kaniya dahil sa hiya.

'Awkward...'

"A-anong gusto mo? Libre ko!"

'Nubayaaan. Magpapalusot ka na lang nga mali-mali pa ,baka nakakalimutan mong wala kang pera. Tsk'

"N-never mind, ako na lang."

"S-sige."

"Maghintay ka na lang muna dun, ako na bibili ng pagkain."

Sabi niya sabay turo sa isang bakanteng mesa .
Sinunod ko siya at umupo na ko. Habang naghihintay ay kanina ko pa napapansin yung isang lalaki na tingin nang tingin sa'kin galing sa table na nasa harapan ko.
Bigla niyang kinaway yung kamay niya sakin sabay ngisi. Dahil sa hindi ko naman siya kilala ay nginitian ko na lang.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now