Chapter 17

27 0 0
                                    

Angela's POV

"Akalain mo nga naman. I didn't expect to see you here...Angela."

Kinusot ko muna ng husto ang mga mata ko. Hindi ko akalaing makikita ko siya dito.

"I didn't expect it too...Cedrik."

"Well, saktong- sakto. I'm missing you these past few days. I'm very lucky to see you here." sabi niya na parang tuwang- tuwa siyang makita ako ngayon.

Tinignan ko na lang siya na para bang nawalan  na ko ng gana sa lahat. Akmang lalapit siya sa'kin pero agad naman siyang hinarangan ni Mathy.

"Anong ginagawa mo dito?"

Bahagya naman akong natakot dahil ngayon ko lang narinig si Mathy na ganito kalamig, parang ibang tao yung kasama ko ngayon. Hindi naman nagpatinag si Cedrik at tinawanan niya lang si Mathy.

"What? Baka nakakalimutan mong magkakilala yung family natin."

'Huh? Magkakilala? Ibig sabihin may relasyon silang dalawa?'

"And then you decided to show up now? Ilang beses ng nagkaroon ng okasyon pero ngayon lang kita nakita dito."

"Well, it's in my guts. Naramdaman ko kasi na I'd see my girl here.''

Nang sinabi niya ang mga salitang yun ay tinignan niya ko ulit at sabay na kumindat.

'Playboy. Tsk!'

"I don't think she's here, so get lost." pilit na pagtataboy ni Mathy.

"Nope, she's here."

Hindi parin niya inaalis ang paningin sa'kin. May namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa lalo na nang mapansin kong sasabog na sa galit si Mathy. I've never seen this side of him before. Nawala na lang tensyon nang tawagin si Mathy ng Antie Joy niya.

"Totoy! Halika nga't tulungan mo kami rito!"

Tinignan muna ako ni Mathy bago pumunta sa Antie niya. Susundan ko na sana siya pero agad naman akong pinigilan ni Cedrik.

"What do you want?" naiinip na tanong ko sa kaniya.

"Woah, relax. I just want to be with you."

"Sa tingin mo gusto kitang makasama?"

"Bakit ba ansungit mo sa'kin? Playing hard to get?"

'What the heck? Ang kapaaal!'

Umalis na ko at di na siya nilingon ulit, baka masapak ko pa to nang wala sa oras.

"I guess I'll see you later then?!"

'I hope I won't see you again.'

Lumapit na lang ako kay Mathy para naman makatulong ako, nakita ko kasi siyang nag- aayos ng mesa para mapaglagyan na ng pagkain. Nasa tabi niya na ako pero mukhang nagpapanggap lang siya na wala ako dun.

"Uhh, m-may maitutulong ba 'ko?"

"Umupo ka na dun, ayos na kami." pagtatanggi niya sakin, ni wala man lang emosyon ang mararamdaman sa pagkabigkas niya.

"S-sigurado ka?"

Malamig yung pakikitungo ni Mathy sa'kin. Tinanong ko siya uli pero di niya man lang ako tinignan. Nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now