Chapter 2

72 4 2
                                    



"Hoy! Sandale! Hoy!" 

Hindi ko na siya hinabol n'on, dahil hindi ko naman siya kilala in the first place. Magmumukha lang akong tanga kung habol ako nang habol sa kaniya pero 'di ko naman kilala.

Wait! Hindi ko pa natatanong yung pangalan niya! Ano ba yan?! Nakaka-stress! Pati ba naman pangalan niya hindi ko matanong! Tatanda talaga ako ng maaga dahil sa kanya!

"NAKAKA-STRESS KA KUYA!ALAM MO BA 'YON?!?"

Nagpalabas ako ng isang malaking buntonghininga, napaupo na lang ako sa bench. Napagod yata sa kakaisip kay Kuya Mysterious na so full of mistery! Pero kahit na gano'n, parang may nagtutulak sa'kin na lapitan ka. You're so intriguing kuya, 'lam mo ba 'yon? 

Inilabas ko ang cellphone ko para magpa- music, ginamit ko na rin yung earphones ko na laging nasa bulsa ko, parang 'di ko yata kakayanin kung mawala 'to. It's so precious to me, music is life kumbaga.

Unti-unting pumipikit ang aking mga mata, nakatulog ako nang 'di ko namamalayan.

Madilim, wala akong makita kundi ang mga magulang ko'ng nakatayo sa harapan ko at dahang- dahang naglalakad papunta sa isang maliwanang na hagdan sa. Tinatawag ko sila pero hindi sila nagtangkang lumingon sa direksyon ko, hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan ko na para bang  nanigas ako sa kinalalagyan  ko.

"Mama! Papa! Sandale! Sasama ako, huwag niyo 'kong iwan, ayaw kong maiwang mag-isa"

Bigla ako nagising nang may tumapik sa'kin, hindi ko man lang inisip  kung sino 'yon. Napayuko ako at patuloy ang pagpatak ng aking mga luha. Tumahan na ako kahit papano at dun kolang napansin na  nandyan parin yung taong tumapik sa'kin.

"Angela, okay ka lang?"

Tinignan ko agad kung sino yun, si Jade lang pala.

"Yeah, I'm okay. Balik na tayo sa room?"

Tumango naman siya, nauna na akong maglakad dahil nakakailang naman kasi kung sabay pa kaming pupunta sa room lalo na nung makita niya akong umiyak kanina. Nakakahiya! Ba't ba kasi sa lahat ng pagkakataon na pwedeng umiyak ay ngayon pa?

Dahil sa kakaisip ay may nabangga ako. Batid kong matangkad siya dahil sa dibdib niya ako tumama.Umatras ako ng konti para makita kung sino yung nabangga ko, hihingi na sana ako ng tawad pero laking gulat ko kung sino yung nabangga ko.

Siya nga! Hindi ako nagkakamali! Yung lalaki sa garden! Ang lalaking dalawang araw ko nang gustong makausap!

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Gowra!

"A-anong pangalan mo?"

Ano ba yan?! Nauutal pa 'ko!

"Lucifer"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, agad siyang umalis. Ba't ganun, ang hilig niyang mag walkout. Naiwan akong nakatayo sa kinaroroonan ko, hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko.

"Lucifer? 'Yan ba talaga yung nakasulat sa birth certificate niya?" 
Bulong ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang maaala kong may klase pa pala ako. Nagmadali na akong pumunta sa next class ko, pagdating ko ay nakita kong nandun  si Jade na nakaupo sa gilod ng room. Parehas pala kami ng class? Haaay.


Uwian na namin, kailangan ko pang mag- grocery ngayon. Wala na kasing laman yung ref namin, I mean yung ref ko. May pinadala namang pera si tita kaya may pambili ako ngayon.

Nasa mall na ako ngayon. Kanina pa 'ko naghahanap ng mga kailangan ko at patapos na rin ako sa pamimili pero isang bagay na lang ang hinahanap ko. Nakita ko na! Pero may problema, hindi ko maabot. Ang hirap talaga ng buhay kapag hindi ka biniyayaan ng mataas na height.

Pinipilit ko paring kunin yung Stick-o, pero hindi ko talaga abot.  Nagulat naman  ako nang may kumuha nito.

Si Lucifer! Kapag sinuswerte ka nga naman! Teka, bakit siya nandito? Malamang bumibili.

"Thank-" 

Magpapasalamat na sana ako pero mas nagulat ako nang bigla siyang umalis dala-dala yung isang garapon ng Stick-o. Kinuha niya yung Stick-o ko!

Nainis ako sa kaniya kaya hinablot ko yung isang pack ng biscuit at sabay na tinapon 'yon sa kaniya. Sakto namang tumama sa ulo niya, bigla siyang lumingon. Mukha yatang nagalit sa ginawa ko.

"Ano ba?!"

"Eh akin 'yang Stick-o!!"

"Binayaran mo na ba?!"

"H-hindi pa,pero- "

"Eh yun naman pala,you haven't paid for it so it means it's not yours"

Nanatili akong gulat sa kinatatayuan ko. Ansama. Ngayon alam ko na kung bakit Lucifer pangalan niya, nakakabuisit 'tong lalaking to.

Nagpatulong na lang ako sa iba na kunin yung Stick-o sa taas. Nagmadali na ako sa pagbili para agad na makauwi. Nakakahiya talaga 'tong araw na to. Eh siya naman kasi eh! Sa lahat ng pwedeng kunin yung inaabot ko pa, ugh!


Lucifer's P.O.V

Nasa mall ako ngayon, hindi parin ako makapaniwala na kinausap ako ni Angela kanina, pero ba't ko sinabi yung pangalan ko sa kaniya? Lintek! 

Ang sakit din  nung pagtapon niya ng biscuit, itapon ba naman 'yun sa ulo mo. Babae nga naman, mga pasakit sa ulo.

Natatawa parin talaga ako sa reaksyon niya kanina, akala niya kinuha ko yung Stick-o para sa kaniya. Well,you thought wrong Ms.Lee. Baka nakakalimutan mo, Lucifer ang pangalan ko.

Ahahaha hahaha... Mali 'to hindi dapat tayo nag-uusap,hindi dapat tayo nagkikita.

Hindi dapat tayo mag-kalapit kaya ito lang ang tanging solusyon na naiisip ko para lumayo ka sa'kin, magiging masama ang pagtrato ko sayo. Dappat ay kamuhian mo 'ko , ito lang ang na-iisip kong paraan. Dapat ay magtagumpay ako sa misyon ko. Hindi ka pwedeng maging balakid Angela. 

Sana huwag kang magalit at masasaktan Angela, dahil nung una palang, binalaan na kita.

My Lover is a Grim ReaperWhere stories live. Discover now