"makikiabot po ng bayad" abot ko ng pambayad ko sa jeep habang nakangiti.
"thank you po" sabi ko nung inabot nya ang bayad ko.
Maya maya biglang may sumakay na mag jowa.
Ang gwapo nung guy kaso medyo hindi kagandaan si girl. Hindi sa ano ha, kasi hindi talaga at nagmumuka syang katulong ng lalaking nakaakbay sa kanya.
"bayad po" si gf na nagbayad ng fare nila galing mismo sa wallet nya habang si bf naman ay hinahawi pa ang buhok ni gf.
Tumaas ang kilay ko ng may inabot na pera si girl sa boy na siya namang ikinatuwa nung lalaki saka siya pinaghahalikan at niyakap ng mahigpit.
Sa tingin mo? Ano ang papasok sa isip mo pag nakakita ng ganito? Pareho ba tayo ng iniisip? Well that's life, and its their life. Kung ano man siguro ang meron sila, ienjoy na lang nila and we have nothing to do with this.
"manong para po!" bumaba ako ng jeep at pumasok sa isang mall para mag window shopping.
Ako kasi yung taong papasok lang ng mall para magpalamig at tumingin tingin lang pero hindi bibili. hehehe
"Gosh! ang ganda naman ng dress na toh!" kaso nung pagtingin ko ng price ay agad ko sinauli yung dress.
Grabe sa presyo nun e makakabili siguro ako ng 3 ganun pag nasa divisoria ako.
"hey sweetie.. do I look good on this dress?" yung magandang babae na nagpapacute pa sa I think boyfriend nyang medyo hindi kagwapuhan pero mukhang mayaman.
"yes sweetie... gusto mo ba yan? bilhin na natin. Anything na gusto mo bibilhin natin" yung lalaking payat na pandak na may kaitiman pero maganda naman ang porma.
Natuwa yung babae at napayakap pa sa bf nya at panay halik sa pisngi ng beast nyang lalaki.
Opo, parang beauty and the beast ang peg nila. Maganda yung babae pero hindi kagwapuhan ang lalaki anu tawag dun? Diskarte pre... Diskarte!
Tumalikod na lang ako sa kanila sabay lumabas ng store na yun. Medyo umaatake ang insecurities ko sa katawan e.
Kaso habang kumakain naman ako sa foodcourt, meron nanaman ako naaninag na couple at nasa harap ko pa mismo.
Nasa harap kasi sila ng table na kinakainan ko.
They are both beautiful creatures. Maganda si babae, gwapo si lalaki, perfect match talaga kaso they are ...
"akin na yang cp mo" yung babae na panay pilit inaagaw yung cp ng lalaki
"ano ka ba? pati ba naman cp ko pakekelaman mo? wala na ba akong privacy pagdating sayo?" si boy na kitang kita kong nagmadaling nagpipindot sa cp nya, I think may binubura syang something dun.
"ano ba! akin na yan!" si girl na pilit pa rin inaagaw yung cp ni boy at sa wakas naagaw nga nya.
"oh ayan! kahit halungkatin mo pa yan wala ka naman makikita! Hirap sayo tamang hinala ka e" no ate, wala ka na talaga makikita dahil binura na nya.
Nang makita ni ate yung cp ng bf nya ay nilapag nya ng pabagsak yung cp sa lamesa saka nakapalumbaba.
Kaso biglang nag ring yung cp naman ng babae at kitang kita sa babae na gulat na gulat siya kaya nagmadali nyang pinidot yung cp nya.
"sino yun ha? sino yun?" si boy
"wala.. si chelsea yun" si girl kaso bigla nanaman nag ring yung cp nya na agad naman inagaw ng bf nya saka nya sinagot.
"sino ka? ha? sino ako? ako lang naman ang boyfriend ng may ari ng cp na toh at ikaw sino ka?" yung lalaki na may kausap sa phone na pilit naman inaagaw ni babae
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...