After 1 year....
"happy birthday mareeee !!!" ako na may bitbit na cake
"uuyy salamat mare.. nag abala ka pa... pasok!!" si Nica bfmare ko...
Nabigla ako pagpasok kasi ang dami na pala nya bisita at andun na rin yung ibang tropa... ako na lang ba late?!
"ninang... manu po"
"oohh... cogie...musta na inaanak?! ... ay may bibigay sayo si ninang..."
dumukot ako sa bag at mukhang excited siya makita...
"charaaaaannnn !!" paglabas ko ng ibibigay ko sa kanya ay agad naman sya sumimangot..
"bakit? hindi mo ba nagustuhan regalo ko?!"
"e ninang lagi na lang ito binibigay mo sakin... mikmik?? tss..."
"ehehehehe... atleast meron di ba?!"
"wahahahahahaha ang kuripot mo talaga mare !!!" si rhandy
"dito ka mare upo ka!" - si allan
"salamat par..." saka ako umupo
"ikaw randy ang yabang mo!! bakit ano na ba nabigay mo sa inaanak mo ha?" - na napahampas pa ako sa kanya...
"binigyan ko sya burger kanina...di ba cogie?" si rhandy na tamang ngiti habang nakatingin kay cogie
"oo.. burger... angels burger binigay nya mare... hahahahaha" si Niki
"hayop ka !! ang yabang yabang mo e angels burger lang pala binigay mo"
"atleast mas mahal sa mikmik na binigay mo.. saka wag mo iniismol yun.. sabi nga nila dun... unang kagat.. tinapay lahat!!" na tumayo pa at umaktong kumagat ng burger na gawa sa hangin -_-
TAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA...
"oh asan pala sila khat at chel?"
"we're here!!!" lumabas galing kusina na may bitbit nang pitchel at baso... kasunod rin si Nica na bitbit na ang pagkain ipapalamon sakin...oo lamon dahil ang dami nya sinandok...-_-
"ang dami neto mare di ko mauubos..." pailing na sabi ko
"wag ka mag alala andyan si allan ubos yan! hahahaha" si Rhandy...
Eto ang tropa ko...
Si Nica bfmare ko... singlemom dahil naghiwalay sila ng tatay ni cogie at nag asawa ng iba. malamang absent yun dahil hindi pa sila nagkakaayos
Si Rhandy... yan xa... yae na!!
Si allan ...ang tatang ng tropa dahil sya pinakamatanda... 35 na wala pa rin asawa..ewan ba dyan!
Si khat at chel Magjowa yan... bale tibo si khat at girl si chel..
"oooyyy... ninong !! dumating ka rin!! tara dito ka.. ano gusto mo juice? softdrinks? kanin? pansit?" aya ni Nica...
"pahinga danica...pahinga muna ako saglit..." si ninong hugo...
"haneepp ah . nakapolo pa... hahabol ka pa js prom? di ka na pwede dun 28 ka na e pang high school lang yun pare" si rhandy nanaman..kahit kelan ang ligalig neto e....
"porket naka polo js prom agad? di ba pwedeng office lang?" si hugo na napapakamot pa sa ulo
"hindi... hindi talaga pwede pare.. js prom talaga pre..." natatawa ako sa itsura ni rhandy pang asar talaga...
"ang tinde ng pinaglalaban natin pre ha.." si niki na nakaakbay pa kay rhandy...
"syempre!" si rhandy sabay kuha ng pulutan...
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...