"Auntie alis na po ako"
"sige iha.. gudlak sa first day ng work mo..."
"ehe... opo...."
"teka !!! baon mo iha"
"ehehehe salamat po... cge po"
Andito na nga ako sa cavite dahil dito nga ako nag apply ng trabaho para maging staff nurse. Buti nga nakapasa ako e.
Kay tita Amy ako tumuloy dahil medyo malapit lang sa kanila pagtatrabahuan ko. Pabor din naman sa kanya dahil yung mga anak nya nasa manila nag aaral, yung panganay naman nya na si ate Iyah nasa ibang bansa nagttrabaho pati rin yung asawa nyang seaman.
Bale pag weekdays 2 lang kami dito sa bahay, tuwing sunday lang kasi siya inuuwian nila Jelly at Ian na nag aaral sa kilalang universities sa manila.
Dito na ko sa bus, nakakaantok dahil ang aga ko nagising. Ayaw ko kasi malate dahil first day ko nga.Makaidlip nga muna...
....uhm ... bigla may tumabi sakin at halos nabangga na nya ako. Nilingon ko siya, kaya nagkatinginan kami...
"what?" sabi nya. Gooosshhh ang baho ng hininga amoy alak!! galing pa ata toh ng inuman e. Take note, 6:30am mukhang pauwi pa lang siya.
Sinimangutan ko lang siya sabay tumingin na lang sa bintana. Grabedad ang amoy ng alak sa kanya.. amoy alak na may halong yosi. eeewwww...
Maya maya ay naramdaman kong yung ulo nya tumatanday na sa balikat ko. Pagtingin ko sa kanya tulog na pala siya. Kaso naamoy ko pa rin yung amoy ng alak sa kanya kaya inusog ko yung ulo nya sa kabilang side saka tumingin ulet ako sa bintana.
Kaso... talagang makulit ang ulo nya..panay tanday pa rin sa balikat ko, ako naman panay lipat ng ulo nya sa kabilang side, siguro mga 3 beses na! Talian ko kaya ulo nya sa sandalan ng hindi na maglikot.. grrr... ok sana tumanday siya dahil gwapo naman kaso kung mabaho amoy nya eewww....
"Sheeeyyyy...." hala... nagsasalita ng tulog? gara din neto, kaso bigla may kumurot sa dibdib ko nung biglang may tumulong luha sa mata nya.
Ano daw? Shey? gf nya siguro yun. Tinitigan ko mukha nya. Ang tangos ng ilong mahaba ang pilik mata, medyo makapal yung kilay pero sakto lang sa kagwapuhan nya yun nga lang kalbo at may konting balbas sa baba. Parang pang bad boy ang image nya, actually yan ang trip ko e medyo badboy ang datingan. hehehe
Bigla siya gumalaw kaya umiwas ako ng tingin at nagmasid na lang sa bintana.
"Sheeeeyyyy...." sabi nanaman nya pero tulog pa rin
Nakipagbreak siguro sa kanya yung babae at di nya tanggap?! Tapos naglasing siya dahil nga dun? Malamang sa alamang yun nga yun! Tsk Tsk kawawa ka naman. May tumulo ulet luha sa mata nya, parang gusto ko punasan yun. Naaawa ako sa kanya. Nakikita ko kasi sa kanya yung dating ako nung kagagaling lang sa break up.
Kaso nung pupunasan ko na...
"mga bababa sa Chenez Hospital lumapit na sa pinto" nagulat ako sa sigaw nung kunduktor babaan ko na pala kaya tumayo na ko.
Tindi rin matulog nung lalaking yun kahit nababangga ko na tulog pa rin? bwehehehehehe...
CHENEZ HOSPITAL
"Si Nurse Jessie muna mag aasisst sayo since first time mo pa lang mag work as nurse. Nurse Jess kaw muna bahala sa kanya" head nurse
"yes mam" lumakad na kami palabas ng head nurse room at dumeretcho sa nurse station.
Nagrounds muna ako para kumuha ng vital signs saka bumalik ng nurse station.
"Eris kaw muna bahala dito ha" sabay abot ng NCP (Nursing Care Plan)
Tinanguan ko lang siya sabay buklat nun.
"May dumating kasi panibagong pasyente na kelangan din tutukan kaya sayo na muna siya"
"brain cancer ang diagnosis sa kanya?" ako
"yes at may taning na buhay nyan. I think 1week from now na lang sya" -siya habang tinitignan yung ncp ng bagong pasyente
Binasa ko yung laman ng ncp. 3years na sya naghihirap sa sakit nya. Mukhang lahat ng treatment ginawa na sa kanya pero wala talaga dahil huli na nung nalaman nila. At eto na ang last week na nalalabi nya sa mundo.
Naiiyak ako habang binabasa ko toh. Ang hirap ng alam mo sa sarili mong palapit ng palapit ang araw na iiwan mo ang lahat at hindi kana magigising. Pero dahil eto nga ang trabaho ko kelangan ko magpakatatag at ipakita na hindi ako naapektuhan sa mga mangyayari ng bawat pasyente namin.
Lumipas ang ilang araw at palapit ng palapit ang araw na mamamatay na ang pasyente ko at ito na nga ang araw na yun.
Andun na kami sa kwarto ng pasyente kasama ang doctor na naka assign sa kanya. Pamilya nya rin andun at nag iiyakan na. Halos napapaiyak na ko sa sinasabi ng gf ng pasyente ko.
"pahinga ka na mahal, ok lang kami wag mo na kami alalahanin dito." sabi nung gf na tanging ngiti lang ang naisasagot ng pasyente dahil hindi na siya makapagsalita
"Siguro nga kelangan ka na ni lord dun dahil nag retired na yung cook nila dun haha" patawang sabi ni gf kahit pilit lang. Pati rin mga tao sa loob natawa ng pilitan lang din maipakita lang sa pasyente na ok lang sila.
"basta wag mo kami kakalimutan ha? at salamat dahil naging parte ka ng buhay namin. Siguro magkakapart two pa ang love team natin dun pero forever na.. wala ng iwanan" umiyak nanaman yung babae maging ang pamilya nila.
Medyo nangiwi na yung pasyete siguro dahil sa sakit na nararamdaman nya kaya naman hinawakan ni gf yung mukha nung lalaki. Hinalikan nya sa nuo sabay hinawakan yung mata upang papikitin yung bf nya.
"Pahinga ka na." dahil dun tuluyang namuo ang iyakan sa kwarto. Halos hagulgol sigaw, sniff, ang maririnig mo.
Pagkatapos nun ay tinanggal na ang mga aparato na nakakabit sa katawan nya saka sya dinala sa morgue.
Nurse Station
"Ayos lang yan Eris, hindi talaga natin hawak ang buhay ng isat isa. Darating din yung araw na kukunin din tayo ng talagang nag mamay ari satin at wala na tayo magagawa dun. Kaya tahan na!" si kuya Jessie habang pinapatahan ako
"sensya ka na kuya ha? First time ko kasi e.."
"ok lang yan ganyan din ako nung una nung makahawak ako ng 50/50 na pasyente. Masasanay ka rin"
"Eris may bago ulet na admit na pasyente. Ikaw na humawak" si Nurse Joy
"hahahahaha sya nanaman" si Jessie tinignan ko naman siya
"tama! si Eris ang dapat dyan baka sakaling ... ah basta... hahahaha" tinignan ko naman ng nagtatakang ekspresyon ng mukha si Jess
"basta ang advise ko sayo wag ka masyado maingay dyan.. yun lang. haha" dugtong pa nya.
Binasa ko yung pangalan ng pasyente. Sanjie Austria... hhmmm ano kaya meron dito? di naman nakalagay ano sakit nya..
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...