SANJIE'S pov
Nagulat ako nang makita ko si Facewarp na gulat din nang makita ako.
"oh... andyan na pala ang gwapo kong kapatid! hehe" si ate na lumingon sakin
"maupo ka" aya sakin ni ate
"ate ano nanaman kalokohan toh?"
"will you just please calm down and take a seat" si ate na tinaasan ako ng kilay kaya naupo na lang ako.
"waiter please take his order" si ate na hinindian ko naman
"ate ano ba toh? Bakit pinapunta mo pa ako dito? Pinag ayos mo pa ko ng suot, then tapos makikita ko siya dito? Bakit siya nandito? Ano nanaman trip mo?" ako na habang nakaturo kay facewarp
"ibaba mo nga yang kamay mo. Ang ganda nya ngayon para duru duruin mo. Eris pasensya ka na sa kapatid ko ha?" si ate na nginitian lang siya ni facewarp.
"listen! hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.. kaya eto..." si ate na may tinapon na picture sa harap ko.
"ano toh? sino toh?" ako na uminom ng tubig habang tinitignan ang maitim na babae sa picture.
"siya ang niluluto ni daddy na magiging fiancee mo"
"ppffftt.... (ubo ubo ubo)" nabigla ako sa sinabi ni ate
Nang napakalma ako saka naman ako nagsalita.
"ano to? Lokohan? tigilan nyo nga ako sa kalokoha mo ate!" ako pero sumeryoso ang mukha ni ate na syang ikinakaba ko
"sa tingin mo tong mukha kong to nakikipaglokohan pa sayo?" si ate na tinuturo ang nakakatakot nyang mukha kaya napalunok na lang ako.
"siya ang gusto ni daddy na pakasalan mo dahil ang babaeng yan ay anak ng isang may ari ng bigating kumpanya. Ang pamilya nya ang makakatulong sa kumpanya natin para mas umangat tayo sa kakompitensya ng kumpanya natin."
"anong natin? Kayo lang dahil kayo na lang ngayon nagpapatakbo ng kumpanya di ba? Wala na ko dun"
"Sanjie.. makinig ka .." si ate na hinawakan pa ang kamay ko at talagang seryosong seryoso ang mukha
"Hindi na kita kaya pa itago kay Dad. Naghihinala na siya sakin kaya anytime matutunton ka na nya"
"Kala ko ba todo tiwala na sayo si Dad? Kaya nga hindi nila ako makita dahil sayo pinagkakatiwala ang paghahanap sakin na ikaw rin naman ang nagtatago sakin. Ano nangyare?"
"Sanjie... ilan taon na ba kita tinago? Almost 2 years mahigit na rin di ba? Sa tingin mo, ganun kamangmang si Dad para di ka nya matunton at hindi nya ako pag isipan na ako ang nagtatago sayo?" siya pero di ako umimik.
"Medyo tumatagilid na ako kay daddy dahil naghinala na siya sakin kaya para maibalik ko ang tiwala nya sakin at para maging continous ang suporta ko sayo, ihaharap na kita kay daddy bago ka pa nya matunton" si ate
"ihaharap mo ko para maging miserable ulet ang buhay ko? Ate maayos na ko oh.. di na ko nag ssuicide! Nag uumpisa na akong ayusin at mag enjoy sa buhay na meron ako ngayon tapos sasabihin mo ihaharap mo na ako kay daddy? Ano? Para masira ulet ang buhay ko?"
"kaya nga andito si Eris e..." si ate na nangingiti ngiti pa habang nakatingin kay facewarp
Tinignan ko rin siya pero nanatili siyang nakatikom ang bibig at nakayuko.
"bago kita iharap kay dad, kailangan nyo maikasal ni Eris"
"ano?" sigaw ko na napatayo at napahampas pa sa mesa
"Gusto mo ituloy yung sinasabi mong inenjoy mong buhay di ba? Then you have to deal with this fake marriage"
"fake marriage?"
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...