<3 7

73 5 0
                                    

SANJIE'S pov

Maya maya ay lalabas na ko ng hospital kaya eto si facewarp at tinatanggal ang dextrose ko.

"dahan dahan!! pagsumirit dugo nyan makikita mo!" banta ko sa kanya.

"makikita ko talaga at makikita mo rin sisirit pag lumikot ka!" -pilosopong sagot nya

"ayan tapos na po! laya ka na !!" sabi nya pa

"ano tingin mo sakin preso? ang gwapo ko namang preso"

"yabang talaga!! anyway tutal last day mo na dito magpapakabait ako sayo ngayon" nangingiting sabi nya

"di na kelangan dahil masyado ka nang demonyita sa paningin ko"

"aba talagang!! hoy! baka akala mo gusto ko talagang magpakabait sayo di mu lang alam atat na atat na kong makalabas ka nang mawala ka na ng tuluyan sa paningin ko!" sigaw nya sakin

Tinapat ko sa kanya yung blank na papel sa mukha nya sabay sabing..

"listahan ng mga may pake" -nangingiti akong tignan ang facial reaction nya na galit na galit. hahaha

Agad naman nyang hinablot sakin yung papel sabay pinilas pilas yon sabay tumalikod.

Habang nag aayos sya ng mga gamit nya ay pinagmamasdan ko siya.

Naisip ko lang, di rin naman masama ang pakikipagtalo at sakitan ko sa kanya dahil kahit papano at for the first time nag enjoy din ako sa pag stay dito maybe siguro ang hirap man aminin e dahil sa kanya.

Napagtyagaan nya ko ng ilang weeks e halos yung iba suko sakin. May iba naman willing pa rin asikasuhin ako kasi nga ramdam ko na may pagnanasa sila sakin kaya inayawan ko rin sila.

Pero etong babaeng toh... Kahit gaano ko siya sigaw sigawan, mura murahin tapos pahirapan pa ng todo e hindi pa rin siya sumuko kundi ginagantihan nya lahat ng pinag gagawa ko sa kanya.

"sa susunod ayaw na kitang makikita dito hah" -biglang sabi nya nang hindi tumitingin sakin at bc sa ginagawa nya.

"baka akala mo gusto kong nakikita ka dito?"

"tss.. ang slow!"

"anong slow?"

"hindi mo nagets ang sinabi ko" tumingin siya sakin ng nakakaloko pero di ako umimik at tinaasan ko lang siya ng kilay

"ang ibig sabihin ko dun, stop doing something stupid like pagpapakamatay nang hindi na kita nakikita pa dito!"

"anong pake mo?"

"may pake ako kasi once na ginawa mo ulet yun makikita nanaman kita dito. Wala naman ibang pagdadalhan sayo dahil eto lang ang hospital sa lugar na toh! Kayo pa may ari"

Sasagutin ko na sana siya pero bigla ulet siya sumingit.

"makinig ka!" lumapit siya sakin

"alam mo bang sa dami dami ng naoospital sa mundo e isa ka sa maswerte?" sabi nya nang seryoso ang pagmumukha

"so?"

"kasi pumasok ka dito ng buhay at lalabas ka ng buhay para ipagpatuloy ang buhay mo."

"e anu naman?" ako sabay ngumiti ng nakakaloko. Napaka nonsense kasi ng sinasabi nya.

"alam mo bang yung last patient na pinahawak sakin bago ka e gusto pa mabuhay para sa mga taong nakapaligid sa kanya, kaso wala na sya magagawa dahil oras na nya?" pipilosopohan ko pa sana siya kaso..

"at alam mo ba yung feeling na anumang oras e pwede ka nang hindi magising at iiwan mo na lahat ng maiiwan mo na sana marami ka pa dapat gawin para sayo at para sa kanila?" -sa sinabi nyang yan biglang pumasok sa isip ko si ate

Then he came....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon