ERIS pov
UwaAaaAaa UwaaaAaa UwaAahh
-iyak nung baby
"tahan na baby boy! welcome to your new world" ako habang nililinisan ang baby.
Naka assign ako ngayon sa Delivery Room kaya nag cocord care ako ng bagong labas na baby.
"Ayan baby malinis linis ka na. Wait lang ha injectionan lang muna kita. Saglit lang toh.." ako kaya lalong ngumawa yung baby nung tinurok ko na sa kanya yung syringe
"ayan tapos na po.. tapos na... aba! aba! malakas ka rin manipa huh?!"
kinakausap ko pa rin ang baby na walang kamuwang muwang
Kaso medyo naimbyerna ako ng biglang tumayo ang putotoy nya at may sumirit na tubig... wiwi ang tawag dun at sakto sa mukha ko.
UwAaaAaaa UwAaaaaaa
-iyak ko sa isip ko lang habang nililinisan ang tumatawang baby
"ikaw bata ka! kalalabas mo lang sa lungga mo puro ka na kalookohan! Kanina panay iyak ka ngayon panay tawa ka naman!"
-sabi ko sa baby na natigilan tapos bigla ulet tumawa. Pang asar rin ata toh e.
Pagkatapos ko siya linisan at sukatan ay dinala ko na siya sa nanay nya.
"mam' eto na po ang pilyo nyong baby" ako habang nilagay ko sa tabi ng nanay yung anak nya
"ahm mam' ano po ipapangalan nyo sa baby boy nyo?" tanong ko sa inang tuwang tuwa sa anak nya
"wala ako maisip e... ano ba maganda?" tanong sakin ng nanay
Naisip ko, mukhang pilyo naman ang anak nya at hindi nalalayo e magiging katulad din sya ni mamaw pag lumaki kaya naman..
"Sanjie boy na lang po? ano sa tingin nyo?" ako
"sige... Sanjie na lang" tugon ng nanay
"sige po...ahm mam' dadalhin ko po muna siya sa nursery ha?" tumango lang yung nanay
"Sanjie boy mag babye ka muna sa nanay mo" ako habang buhat yung bata
Kaso mukhang Kj tong batang toh dahil pumikit lang at natulog imbes na magbabye. Sabagay ano nga naman alam nya dun? Engot ko rin e.
Pagkahatid ko ng baby sa Nursery ay agad naman ako pinatawag ni head nurse.
"magkita kayo ni Mrs. Griffin dito ng 7:00." si head nurse na may inaabot na card sakin.
Tinignan ko naman yung maliit na card na inaabot ni head nurse.
Mukhang mamahalin restaurant toh ah.
"bakit daw po?" tanong ko kay head nurse pero nagkibit balikat lang siya
"pwede ka na mag out ngayon para maghanda. Mukhang di basta basta ang meeting nyo ni Mrs. Griffin e. Kelangan mo maging formal sa lugar na yan"
"oo nga po e... haayyss.." napakamot ako ng ulo. Inisip ko kasi ang isusuot ko dito.
After ko umuwi ng bahay ay dumeretcho ako sa isang restaurant. Isang mamahaling restaurant na kung saan e kelangan ko pa mag suot ng casual dress dahil magmumukha akong pulubi pag ordinaryong damit lang susuotin ko, baka nga hindi pa ako papasukin. Kaya sinuot ko na yung dress na binili ko na para sana sa party nung last na kasama ko si mamaw pero hindi ko nasuot dahil ayaw ipasuot nung baklang nag ayos sakin kesyo may dala na syang sariling dress na ipapasuot. Gumastos pa ko para sa party na yun tapos di ko rin pala magagamit. Pero sabagay, nagamit ko rin naman siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...