<3 15

13 0 0
                                    

"hayley closed all of my accounts"

"panong? wag mo sabihing sinabotahe ka ng kapatid mo?"

"hindi nya magagawa sakin yun. I think its because of dad" siya na ngumiti ng naasar na ngiti.

"so, pano yan ngayon?" nagulat ako ng bigla nya nilahad ang palad nya sa harap ko. Tinignan ko naman siya ng nagtatakang tingin. Ngumiti siya at biglang nag puppy eyes sabay sabing...

"pautang..."

"huh?"

"sabi ko pautang ulet! sige na" siya na bahagya pang iniaangat ang palad nya.

Ano daw? Mangungutang siya sakin?

"please..." siya na pinaglapat na ang dalawang palad nya at nagmamakaawa sa harap ko.

Si mamaw ba talaga tong nasa harap ko? Yung mamaw na palasigaw at laging nakabusangot dati ay ngayon nagmamakaawa at umuutang sa harap ko?

"hoooooyyy!!" siya na pinitik ang nuo ko.

"aray naman!" ako na hinawakan ang pinitik nya.

"ano? pauutangin mo ba ako?"

Kinuha ko yung wallet ko sabay pinakita sa kanya ang laman.

"ayan! 100 pesos na lang pera ko-- hooyyy teka! bakit kinuha mo? Ibalik mo yan!" Kinuha nya kasi yung natitira kong pera

"peram muna neto!" siya na tinataas yung kamay nya para di ko maabot yung pera

"yan na lang pera ko! Yan na lang natira sa 500 na binayad ko sa cashier kanina tapos kukunin mo pa? Leche ka!" ako na pilit pa rin inaabot yung pera

"babayaran naman kita e!"

"pamasahe ko na lang yan pauwi. Kung ibibigay ko pa sayo yan, hindi na ko makakauwi"

Sa sinabi kong yun natigilan ako sa pag agaw ko ng pera sa kanya maging siya ay natigilan din ata sa sinabi ko, gulat din ang mukha nya e.

Lumingon lingon ako sa paligid, hindi pamilyar sakin ang lugar na toh. Takte! oo nga pala! Wala nga pala kami sa cavite ngayon at hindi ko alam san lumapalop ng Pilipinas kami naroon. Nung pinadakip kasi kami ni Ms. Hayley kanina ay naka sasakyan kami kaya hindi ko talaga alam san lupalop kami.

"anong lugar ba toh?" ako na napaupo na lang. Feeling ko kasi naliligaw ako at hindi na ako makakabalik pa sa bahay ko.

"hhmmm... somewhere in Olongapo"

"ANOOO???" napasigaw ako sa sinabi nyang yun

Olongapo? Magkano ba pauwi papuntang cavite? Mukhang hindi kakasya ang 100 na yan e! Patay na! Di na ko makakauwi! huhuhuhu

Ano ba tong pinasok ko? Wala na ko maintindihan sa buhay ko ngayon. Kung kanina e puno ng takot ang pagkatao ko, ngayon naman ay puno ng awa para sa sarili ko dahil di na ko makakauwi.

Nagulat pa ako nang may marinig akong tumunog. Teka alam ko yung instrumental ng kanta na yun e.

Said all i want from you

is to see you tomorrow

Or every tomorrow

Maybe you let me

borrow your heart

Its not a Bad thing by Justin T.?

"HAYLEY!!!" napalingon ako sa pagkakayuko ko nung sinagot ni Sanjie ang phone nya.

"kanina pa kita tinatawagan kaso nakapatay yang pesteng phone mo!" Sigaw nya sa kabilang linya

"asan kami? Nasa park... huh?... Oo.. nakikita ko nga dito" nilingon ko rin yung nililingon nya. Isang building?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Then he came....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon