At the party...
ERIS'pov
Sa medyo kahabaan ng byahe namin ay sa wakas nakarating na rin kami sa paroroonan namin.
Habang papasok pa lang ng gate ay tinitignan talaga kung sino ang mga nasa kotse. Halatang matindi rin ang sekyuridad ng lugar.
Pagpasok ng kotse namin sa gate may mga nagkalat na media na kanya kanyang kuha sa bawat naglalabasan sa kotse.
"Yari!! bakit may mga ganyan?!" si Sanjie na napapalo pa sa manubela nya. Sanjie muna tawag ko sa kanya dahil kanina pa siya mabait sakin. Nakakapanibago nga e.
"bakit?" ako na takang taka.
"haayyss.. isuot mo na yung mask mo teka dala mo ba yung invitation mo?"
"oo teka..." naghalungkat ako sa bag kaso... paktay wala.. alam ko andito lang yun e.
"ano na?" siya na halatang kabado pa.
"naiwan ko ata... hehe" ako sabay nag peace sign.. mukhang naiwan ko kasi minadali ako nila bakla lumabas ng kwarto. Halos matalisod na nga ako kanina.
Napahilamos na lang siya ng mukha sabay pinatakbo ang kotse.
"Oy.. teka san tayo pupunta?" ako pero hindi siya umimik.
Tumigil ang kotse sa may pinakasulok ng parking lot sabay sinuot nya ang mask nya at sumbrero sabay bumaba. Bubuksan ko na rin sana yung pinto para bumaba pero siya na nagbukas.
"tara.. baba na" aya nya sakin. Aayy grabe sya ba talaga to?!
"teka bakit dito tayo bababa? e dun yung entrance diba?" ako
"naiwan mo yung invitation mo diba? kita mo kung gano kahigpit ang security dito kaya sigurado hindi ka papasukin pag wala ka invitation" siya na sumandal sa kotse at nagsindi ng sigarilyo.
"so, uwi na lang tayo?" tanong ko sa kanya pero di siya umimik bagkus ay nilingon ko yung pinagmamasdan nya. Yung cctv?
"mabilis ka ba tumakbo?" tanong nya sakin
"huh?" takang tanong ko
"narinig mo na ba yung speed of sight?" siya na hindi pa rin natingin sakin
"speed of sight? baka speed of light?" ako
"pagkabilang ko ng tatlo tatakbo tayo" siya sabay tapon ng yosi at hinawakan ang kamay ko
"teka!"
"isa... dalawa..."
"hooyy sandal--..." di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi hinatak na nya ko.
"tatlo takboooo!!" siya
Kahit hirap na hirap ako tumakbo dahil sa heels na suot ko ay binilisan ko na rin kasi madadapa ako pag di ko sinabayan ang bilis nya.
Lumingon ako sa likod kasi lumingon din siya tinignan nya yung galaw ng cctv na yung laser e malapit nang tumapat samin.
Paglingon ko sa harap ay dumeretcho kami sa kubo at pagpasok dun ay sakto patapat na samin yung laser ng cctv ng masara ni mamaw yung pinto ng kubo.
Halos mapaupo na ko sa sahig sa sobrang hingal ko maging siya ay hingal na rin.
"yun ang sinasabi kong speed of sight... hehehehe" siya na medyo hinihingal pa rin.
"bakit ba kasi... whew! kelangan natin.. tumakbo... at takasan yung... cctv na yun" ako na hinihingal pa.
"oh?! sino kayo ha? pano kayo nakapunta sa barracks namin?" nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako at nakita ko ang isang gwapong lalaki na naka glasses at may katangkaran.
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...