<3 4

49 7 0
                                    

Maghahatid ako ng pagkain ni mamaw. Oo mamaw ang tawag ko sa kanya dahil halimaw talaga sya. Lagi makasigaw at panay palayas ng palayas sakin. Ngayon nag order sya ng makakain nya at ako daw mismo ang magdadala kahit na may taga serve talaga nun. Sabagay trabaho ko rin naman toh as private nurse nga daw nya.

Pagbukas ko ng pinto may kausap siya sa phone kaya di nya agad ako napansin.

"boring na nga dito pre e... gusto ko na lumabas... huh? .. ano? teka di kita marinig..."

"ayan rinig mo na ko?" ni loud speaker nya yung phone nya

"oo pre rinig na kita. Yun nga gusto ko na lumabas!"

"anyare ba sayo pre? nagpakamatay ka nanaman daw?"

-lalake sa phone

"tsk! di ko na kasi kaya pre. Ang sakit sakit pa rin, hindi ko pa rin kayang wala sya pre. Balewala na rin ang buhay ko kung di ko rin naman siya makakasama." malungkot na sabi nya

"e pre mukhang ayaw pa sayo ni lord. Nakailang pakamatay ka na ba? hahahahahaha" gara rin ng kausap neto parang walang malasakit sa kaibigan ha

"gago !!" sigaw ni mamaw sa kabilang linya

"hahahaha alam mo pre kung di mo pa talaga oras hindi talaga, wag mo ipilit dahil lalo ka lang masasaktan. Tignan mo itsura mo ngayon... naiimagine ko tuloy! hahahaaha san lupalop ka ba ng mapuntahan ka namin" tama ka dyan kuya mukha syang the mummy sa the mummy returns pero yung paa nya na lang may benda the rest tinanggal na.

"wag na! aasarin nyo lang ako mga siraulo kayo!"

"hahahaha... ganto n lang pre tutal di mo pa talaga oras para mamatay ka e gumanti ka na lang sa mga babae para maibsan ang sakit na nararamdaman mo"

"ganti? sino gagantihan ko? sya? alam mo namang di ko magagawa yun dahil mahal ko yun"

"e di gumanti ka sa ibang babae.." hala ano daw? ayos din toh mag advise ah

"yang mga babaeng yan puro sakit lang naiidudulot satin nyan! Ang iingay pa kala mo mga armalite ang bunganga nakakasakit lang ng ulo. Biruin mo sa tindi ng pagtitiis at sakripisyong ginawa natin para sa kanila e nagagawa pa nila tayo lokohin? Kaya dapat lang na pagdusahan din nila mga pananakit nila satin" pagtuloy ng lalaki sa phone. langya! nilahat talaga?

"hhmmm..." napatingin na sakin si mamaw

"ang gawin mo pahirapan mo rin sila tulad ng pagpapahirap nila satin tapo--"

"alam ko na gagawin ko, salamat pre" nangingiting sabi ni mamaw habang nakatingin sakin. Mukhang may binabalak nanaman toh ha

"pero pre piliin mo yung gagantihan--"

"oo na sige na sige na! bye!" pagpatay nya ng cp ay tumingin ulet sya sakin kaya nagmadali ako iserve sa kanya yung pagkain nya para makalabas na. Hindi maganda kutob ko e.

Nung maglalakad na ko palabas...

"hoy ikaw babae !!" malapit na ko sa pinto e.. bubuksan ko na lng e.. leche!

"ano po yun sir?!" humarap ako sa kanya pero hindi ko sya tinitignan.

"lumapit ka dito" oh hinde!! anong balak nya?!

"wag kang titingin tingin sakin ng ganyan may naalala lang ako sa ganyang reaksyon! lumapit ka dito sabi e...BILIS!"

Kahit natatakot ako sa pwede nyang gawin ay lumapit pa rin ako. Marunong naman siguro ako manuntok kung may masama syang gagawin sakin at balyado pa sya.

"ano po yun sir?"

"abot mo yung tubig" inabot ko naman

"kunin mo yung kutsarat tinidor" kinuha ko naman sabay inaabot sa kanya

Then he came....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon