Eris pov
Pag uwi ko ng bahay nadatnan ko si tita na nanonood ng pbb.
"oh andyan ka na pala. Bakit late ka na nakauwi?" si tita
"trapik po kasi tita"
"oo nga.. umulan kasi. kumain ka na dyan"
"opo, sila Jelly at Ian po wala pa?"
Saturday kasi ngayon
"bukas pa daw sila makakaluwas dito"
"aa.. ganun po ba? aaayyy eviction na pala sino nominated?" ako habang dala dala ang plato ko at tumabi kay tita sa sala.
"Sila jane at manolo"
"ganun?! ayan iaanounce na..."
"you are now evicted to the big brother house.... Manolo. Jane you are safe and you can go back to the big brother house" si toni sa tv
"tindi rin ni jane noh hindi matanggal" ako habang ngumunguya
"maraming voters e.." si tita na ngingiti ngiti pa.. maka jane to eh
"dapat si josua lumabas dyan, sya lang naman pinag aawayan dyan e"
"yun lang e di naman sya nominated" si tita na lumakad na paakyat
"patayin mo na lang ang ilaw pag akyat mo"
"opo tita..."
After ABSBEIEHWOSNSMSFO mins. andito n ko sa kwarto ko.
Ganto ginagawa ko bago matulog. Ang mag muni muni. Chinek ko muna yung cp ko.
Sender: Nica
11:30am
lunch time :))
_________________
3:30pm
sarap ng tulog ni cogie, napagod ata sa school...
kau rin wag pakapagod.
Pahi pahinga rin pag may time lalo ka na mare eris
________________________
6:30pm
Mare musta? bcng bc ha
________________________
Kahit kelan talaga toh wala magawa.. Tinatamad ako magreply saka sabi nya bc e.. maiintndhan naman nya yun, saka wala ako load
Teka may isa pa
sender: 0907bahala.ka.na.sa.pito
10:03pm
hi...
___________________________________
Sino naman kaya toh?! tss.. wala ako panahon sa txtmate txtmate... saka wala ako load at hindi rin naman siguro sya importante kaya.
Deleted...
Yan ang dapat sa ganyan. Hindi dapat pinagpapansin mga ganyan lalo na mga unknown numbers baka mga modus yan, hingian ka ng pera. Dami na daw nabiktima nun siguro yung mga shunga shunga. Kesyo nanalo ka daw kahit di ka naman tumaya sa kahit ano o may kamag anak ka daw na nangangailangan ng pera tapos hihingi ng load.
One time nga nagtxt sakin isa sa kamag anak ko daw kailangan ng pera kesyo naospital daw si ganto.. Maniniwala na sana ako kasi baka nga emergency kaso yung txt nya sa huli e kuya ko daw yung naaksidente, natawa ako kasi wala naman akong kuya at bukod dun puro kami babae magkakapatid, pano ako nagkaroon ng kuya? hahahaha
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...