ERIS pov
Sakay ng isang itim na mahabang sasakyan na di ako sure kung limousine nga ba tawag dito ay binabagtas namin ang sinasabing mansion ng mga Austria.
Masyadong mahaba ang byahe namin na siyang kinaantok ko pero pinipigilan ko makatulog sa takot na pag gising ko e nakaratay na ang precious kong katawan sa damuhan habang nakalawit na lang ang dila ko. Natatakot kasi ako sa mga kasama namin sa loob. Mga naka black coat na nakashades. Mga armado pa ang mga toh dahil nakita ko kaninang may baril ang isa sa kanila. Iniisip ko tuloy parang nakidnap ako ng isang mafia at inihahatid na ako sa huling hantungan ko.
Tinignan ko si mamaw na salubong ang kilay at mukhang malalim ang iniisip. Naka cross arms lang siya at halatang nag reready sa posibleng pagharap nya sa tinataguan nyang ama sa mahabang panahon.
Bigla ulet ako kinabahan nung maisip ko ang ama nila na di rin magtatagal ay makakaharap ko. Kasi kung si mamaw e halimaw na sa ugali at si Ms. hayley ay isang angelic assassin kung mag isip, ano pa kaya ang ama nila?
Saka di ko alam pano ako haharap dun dahil una sa lahat hindi ako sanay makiharap sa mga taong mayayaman. Hindi ko alam ang gagawin ko once na nasa harap ko na yun, baka makagawa ako ng hindi maganda at umatake nanaman ang ka'clumsyhan ko.
One time kasi nakaattend kami sa isang engrandeng okasyon na which is puro talaga mayayaman ang nanduon. Sa sobrang kaba ko humarap sa mga taong yun nakagawa ako ng eksenang hindi ko malilimutan habang buhay. Yung eksena yun na pinagsisihan kong pumunta pa ako ng okasyon na yun. Yung eksenang sana nung nangyari ang katangahan ko e bigla na lang sana ako nilamon ng naglalakihang chandelier.
Sa sobrang pag iisip ko ay nagulat na lang ako ng biglang huminto ang kotse. Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang isang napakalaking bahay na mala palasyo sa laki.
Binuksan ang pinto at agad naman kami nagsilabas sa kotse.
Napapanganga ako sa nakikita ko. Parang ako ay nasa isang palasyo ng isang fairytail book. Sa tapat ng malaking pinto ay mayroong isang fountain na iniikutan ng mga sasakyan. Nakamamangha talaga ang bawat paligid na nakikita ko.
"pumasok na tayo sa loob" si Ms. Hayley na nauna nang naglakad samin.
Di ko alam kung bakit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para maglakad. Hindi ko alam kung sa takot o sa kaba o sa pagkamangha sa mga nakikita ko. Basta halo halong emosyon na ang pumapalibot sakin na syang ikina freeze ng katawan ko.
Nabuhayan na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko ang taong humawak sa kamay ko, isang gwapong lalaki na nakatingin ng seryoso sa mga mata ko.
Hihilain na sana nya ako para mag umpisa maglakad pero hindi ko parin naigalaw ang mga paa ko kaya natigil siya at tumingin sakin.
Tinignan nya ako na animo inaalam kung ano ang problema ko. Pero mukha naman nagets nya ako kaya bigla siya ngumiti.
Isang ngiti na sa isang iglap e nawala ang lahat ng takot, kaba at kung ano ano pang nagrarambol sa isipan ko. Sa simpleng ngiting yun ang siyang napagkuwaan ko ng lakas ng loob at ang tinging iyon ay nagsasabing hindi nya ako pababayaan ano pa man ang mangyari.
"let's go" aya nya sakin at sa di ko maipaliwanag ay agad na may lumabas ang mga ngiti sa mga labi ko, hudyat na ok na ako kaya nagpatuloy na kami sa paglakad.
Pagpasok ay lalo ako napanganga sa napakalawak ng loob na halos kahit tumabling ka ng isang daan beses e hindi ka mabubunggo, yun e kung kaya mo? hehe...
Nakakamangha rin ang interior design ng bahay. Mga mamahaling chandelier, paintings, mga gamit na sa tingin ko e mas mahal pa sa buhay ko. Di ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong lugar na which is sa tv ko lang nakikita.
BINABASA MO ANG
Then he came....
RomanceSi Eris ay isang babaeng nagpupumilit na maka move on sa Ex nya. Hanggang sa makilala niya si Sanjie na isa rin sawi at halos magpakamatay dahil sa sakit na nararamdaman nya sa past relationship nya. Sa kabila ng kabiguan nila, magagawa pa kaya nila...